Nang makarating si Adam at Kane sa headquarters ng F.E.D ay may sorpesang naghihintay sa kanila. A tall and willowy girl welcome them.
"This is Rain," pagpapakilala ni Adam sa babae.
"Hi," sabi ng ipinakilala kay Kane bago Humarap kay Adam. "Nahanap na nila si Fire. Papunta na sila rito."
Pakiramdam ni Kane ay noon siya huminga ng totohanan. Matapos marinig na okay na si Fire Nakinig siya habang malumanay na ipinaliwanag ng babae kay Adam ang nangyari.
"Good work, Rain. Sandali lang, may kailangan lang akong tawagan. Maiwan ko muna kayo rito."
Tumayo si Adam at pumasok sa isang adjoining room. Hindi nagsasalita si Rain, nakatingin lang ito kay Kane.
"Are you blaming me sa nangyari kay Fire as well?"
Umiling ito. "No. Wala ako sa posisyon para i-judge ka."
Natauhan si Kane. Bakit nga ba siya defensive? Maybe it was because he felt that he gave Fire a Judas kiss. "I'm sorry," sambit niya.
Nginitian siya ni Rain. "Huwag sa akin. Kay Fire. Baka hindi ka niya madaling mapatawad."
Naisip rin iyon ni Kane. After all, hindi nga niya alam kung paano patatawarin ang sarili niya.
May narinig siyang tunog ng mga sasakyan mula sa labas. Tumayo si Rain. "Sandali lang, salubungin ko na sila. Sasabihin kong nandito ka. Baka kailangan niyong mapag-isa ni Fire."
Na-appreciate ni Kane ang sensitivity ng babae. "Thank you," sabi niya. May sasabihin pa sana siya pero nilulunod ng dagundong ng puso niya ang lahat ng laman ng utak niya kaya iyon na lang ang kaya niyang sabihin.
Bumukas ang pintuan at nakatayo doon si Guia. Hindi na halos makahinga si Kane. Humakbang ang dalaga palapit sa kanya.
Una niyang nakita ang pasa sa may pisngi nito na dumudugsong sa bahagyang pamamaga ng labi nito kung saan may marka pa rin ng natuyong dugo. Tinawid niya sa isang hakbang lang ang distansiya sa pagitan nila.
Masuyong itinaas niya ang isang kamay sa pisngi nito. "Ako ang may kasalan nito," mahinang sabi niya. Hindi na niya mapigilan ang panginginig ng kanyang boses.
"'Yung ginawa mo, Kane, hindi pisikal ang sakit noon. Ito?" Hinawakan nito ang ibabaw ng palad niya na nasa pisngi nito at ibinaba iyon bago pakawalan. "Wala lang ito. Pero I don't know what to do with my heart. Kasi it's hurting so much. Gusto kong intindihin lahat ng rason ng galit mo. Marami nga naman akong sablay na ginawa sa buhay mo. Pero hindi ko pa alam kung paano maintindihan kung bakit sinabi kong mahal kita pero hindi ka man lang naniwala."
"Mahal din kita."
"Then you have a goddamn lousy way of showing it Kane de la Cuesta. Considering, muntik na akong mamatay dahil sa pagmamahal na sinasabi mo?"
"I'm sorry," sabi niya.
Ngumiti si Fire. "You have no idea kung gaano karami ko ng beses narinig iyan at kung gaano karaming beses na totoo iyon sa nagsabi. A thousand times. And zero. So, you have to excuse me, Mr. de la Cuesta, pagod na talaga ako. Baka kailangan ko munang magpahinga para makapag-isip ng matino."
Ilang segundo nang nawala sa harapan niya si Guia ay nakatayo pa rin siya kung saan siya iniwan nito.
Doon siya inabutan ni Adam.
"Pagod lang si Guia. At galit na galit siya. Bigyan mo lang siya ng panahong maka-recover," payo nito.
"Paano kung hindi na niya ako mapatawad kahit kailan?" Tanong niya, tila nabalik sa 12 year old na bata na umiidolo kay Adam at naniniwalang tama ang lahat ng sasabihin nito. Ganoon kalaki ang pangangailangan niya sa kahit anong pag-asang maibibigay sa kanya na maayos din ang lahat.
BINABASA MO ANG
ELEMENTS BOOK 1 FIRE OF DECEPTION (COMPLETED)
RomanceExtended foreplay hanggang dumating ang fiancée at mahuli sila. Iyon ang dapat nangyayari sa engkuwentrong iyon. So Guia, also known as Fire, and in-house seductress of ELEMENTS, was intent to become the ultimate temptress. Pero mali ang ginawa niya...