Fire of Deception Chapter 7

7.5K 249 3
                                    

Naglalakad si Fire sa dilim para siguraduhing walang makakapansin sa kanya nang takasan niya ang kaligtasan ng lugar na pinagdalhan sa kaniya ni Adam. Lumabag siya sa utos nito. Gusto niyang makita si Kane.

Siguro naman ay masyado lang praning si Adam. Ni-review niya sa utak niya lahat ng pangyayari sa kanila ni Phil Limbao at sa palagay niya ay walang danger na mahanap o makilala siya nito sa labas ng personang pinagpanggapan niya. Kahit ang mga tauhan na mga nakakita sa kanya ay hindi nakita ang buhok niyang nakatago sa cap noong harapin niya ang mga ito. At sinigurado niyang natatakpan ang malaking bahagi ng kanyang mukha nang hilahin siya nang mga ito sa taxi. And then, they were so busy staring at her gun.

Bilang karagdagang safety precaution ay hindi siya dumaan sa bahay niya. Naalala niya ring patayin ang locator ng cellphone na isyu ni Adam para hindi siya nito masundan. Tinawagan niya si Kane at nagbigay na lang ng lokasyon kung saan sila puwedeng magkita.

Mahigit isang oras ang ipinaghintay ni Fire bago niya natanaw ang binata.

"Hi," bati ni Kane.

"Hi," sagot niya.

"Ready for your weekend?" Nakangiting tanong ng lalaki sa kanya.

"Sobra. I am so excited." Napahinto siya ng mag-sink in sa kaniya ang sinabi nito. "Teka, weekend?"

"Yup! Hindi lang kita sa zoo dadalhin. We are going to Zoobic Safari. We can see the animals, tapos we can go sa Ocean Adventure to see the dolphins..."

Alam ni Fire ang tinutukoy nito ay ang zoo and amusement park na nasa Subic. Kulang na lang magtatalon siya sa tuwa. Tumayo agad siya at hinala ang kamay nito. "Let's go."

Natatawang sumunod si Kane. At tulad ng dati kapag kasama niya ang binata, panandaliang nakalimutan niya ang lahat ng mga alalahanin ni Fire.

Si Kane ang nag-drive sa kanila sa mahigit dalawang oras ng biyahe. Pagkadating sa Subic ay nag-check in muna sila sa isang hotel, kumain ng tanghalian habang nagpaplano ng mga gagawin nila at pagkatapos ay naghanda sa pamamasyal.

Nagsimula ang kanilang trip sa Zoobic park kung saan mayroong mag exotic at farm animals. Pinakanasiyahan siya sa pagpapakain ng mga maliliit na kabayo roon. Puros maliliit na bata lang ang kasabay niya roon at natatawa si Kane na parang mas excited pa siya kaysa mga kasama.

"Ayaw mo bang pumunta muna sa mga crocodiles o kaya sa mga tigers?"

Ngumisi si Fire. "Dito muna tayo. Nakakita na ako ng tigers sa Thailand at saka nakapunta na ko sa Crocodile Farm. Okay na ako rito sa mga 'pets'."

Muling natawa ng puno ng amusement si Kane. Nang magsawa si Fire roon ay saka lang siya nito dinala sa Savannah, isang ride through kung saan nila nadaanan ang mga naglalakihang ostrich, wild boars at sheeps. Sumandal siya kay Kane at hinawakan ang kamay nito. "Thank you, for taking me here."

He looked thoughtful for a moment. Maya-maya ay nagsalita ito. "Bukas let's go and see the dolphins."

Ibinalot niya ang dalawang braso sa leeg nito at hinalikan ito ng sunod-sunod sa pisngi. "Thank you, thank you, thank you!"

Late evening na sila bumalik sa silid. Matapos iyon ang dinner. Pagod na si Guia but she had never been happier. Nauna siyang nag-shower at nanonood ng TV si Kane nang lumabas siya. Suot lang niya ang robe ng hotel ng lumabas siya. Tinabihan niya ito.

"I'm all sweaty pa," protesta ni Kane.

"Hmmm... I don't mind. You still smell good," aniya bago lalong sumiksik sa binata.

ELEMENTS BOOK 1 FIRE OF DECEPTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon