Chapter 3

127 5 0
                                    

Isang araw ng nakalipas Simula nung nangyari sa kanila.Busy si Carl sa pagcocomputer habang si Carla naman Busy din sa Panonood ng T.V sa sala.

"Carla nag Merienda ka n...." di niya natuloy ang sasabihin ng may biglang nagDoorBell. napatingin naman siya kay Carla na Tutok na tutok ang Mukha sa T.V. Kaya naisip niyang siya na lang ang Mag bukas ng pinto ayaw niya kasing maabala ang kapatid.

"Oh! anong meron At napadalaw kayo?" tanong niya sa tatlo

"Ano ba pare? nalimutan mo na ba? may Laro tayo ng BasketBall ngayon" sabi ni Trystan sa kanya.

"Hmm.. Pasok muna kayo sa loob magbibihis lang ako" at pumasok na nga silang apat sa Loob

---------------------------

Busy padin si Carla sa panonood ng T.V ng madinig niya ang pagbukas ng Pinto kaya agad niyang nilingon iyon. Unang Pumasok si Carl Sumunod si Maegan Then Trystan tapos may isa pa di niya kilala pero Familiar yung mukha ng lalaki sa kanya.

"Ahh.. Carla si Clarence BestFriend ko,Clarence si Carla kapatid ko" pagpapakilala ni Carl sa dalawa.Lumapit si Carla dun sa Lalaki. Napaatras naman yung lalaki sa Ginawa niya.

"Clarence Luke Clifford BestFriend ni Carl. Last year lang sila nag kakilala dahil magclassmate sila.Tahimik,walang Pake Alam sa mundo,Laging naka Headphone,Mainitin ang Ulo,Sarili lang Iniisip At higit sa lahat Seryoso sa bagay na ginagawa niya yan si Clarence. Si Carl lang ang nakakapag tyaga sa ugali ni Clarence."

"Ano bang Problema mo?!" sigaw ni Clarence sa kanya na ikinagulat naman ng lahat.

"Teka!! Mag kakilala ba kayong dalawa?" tanong ni Trystan sa dalawa

"Oo Siya y---"

"No.I Don't know her" pagtatanggi naman ni Clarence

"Ano ba talaga?" naguguluhang tanong ni Carl

"I already Told the truth and i dont want to say it again" naka Poker Face na sabi ni Clarence at dumaretso na sa Sofa at nanood ng T.V.

sumunod naman sila Trystan at Maegan sa sofa. Habang si Carl ay naligo at si Carla naman ay nasa Kitchen naghahanap ng makakain.

"May Araw ka din sakin Mokong ka!" sabi niya sa sarili habang nag hahanap padin ng makakain sa kusina. Si Clarence kasi yung nakabungguan niya nung nakaraan malapit sa Mini Market.

Nagulat siya ng biglang buksan ni Clarence yung Ref at kumuha ng Tubig.

"Hoy!! Anong ginagawa mo dito?!!" Sigaw niya kay Clarence pero Inisnob lang siya neto at patuloy lang sa ginagawa niya Dahil dun naasar si Carla kay Clarence

kaya tumakbo si Carla palapit kay Clarence para sakalin ang Binata pero bago niya magawa ang binabalak agad na umiwas si Clarence at hinawakan ang kamay niya. Medyo napalakas yung tulak ni Carla kaya nawalan ng Balance si Clarence at pareho silang natumba sa sahig.

Nagulat siya na nakayakap na pala siya sa Batok ni Clarence kaya sobrang Lapit ng Mukha nila sa isa't isa. Kaya agad agad na tumayo si Carla sa pagkakatumba ganun din naman si Clarence.Pagkatayo nila Malakas na tinulak ni Clarence si Carla dahilan kung bakit matutumba si Carla pero Bago pa siya tuluyang matumba ulit nahawakan niya yung kamay ni Clarence at nahatang niya ang binata.

kaya natumba ulit sila pero this time nasa ibabaw na ni Carla Si Clarence. napansin na lang ni Carla na nakatingin na pala sakanila si Trystan at Maegan. Kaya tunulak niya si Clarence para umalis sa Ibabaw niya.

Im Dating With My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon