KABANATA 1

25K 479 259
                                    

Kierra Angelique Rodriguez

I wish I could go back to where everything made sense, back when I had a stress-free life. Ngayon kasi parang lagi nalang akong hinahabol ng stress na itago nalang natin sa pangalang Selene Montezor. Palagi itong lapit nang lapit sa akin na parang isang turnilyo at ako naman ang magnet pero buti nalang ang magnet at ang turnilyo dahil they do attract each other. Kaming dalawa? No way.

I have no slightest idea about kung bakit niya sinasabing kasal kaming dalawa. Like hello, hindi pa naman siguro naghihikahos ng lalaki sa mundong ito. Pinipilit niya talaga sa akin na we got hitched somewhere in Boston.

Ano namang ginawa ko sa Boston? I'm sure I didn't lose my head and made a decision that would ruin my life. And I don't remember saying I do especially to her. Kaya ako nalang ang umiiwas para hindi stressful ang buhay ko. At kapag susuwertehing magtatagpo ang mga landas namin, uunahan ko na siya sa pag-irap kahit na magmukha na akong maldita. Hindi ko na nga alintana kung masabihan man akong walang modo, ang mahalaga ay maiwasan ko siya.

Although once upon a time ay may crush ako sa kaniya, but that's just it. Hanggang doon nalang at matagal na panahon na rin 'yon. Nakalimutan ko na nga siya kung hindi lang sa biglaan niyang pagsulpot sa buhay ko na parang kabute.

At isang araw, hindi ko namalayan na nagkasalubong pala kami sa hallway ng Engineering Building. I was busy discussing with my groupmates about our project when she dragged me, kinaladkad niya ako papasok sa comfort room at sinara ito. Katuwiran naman niya ay hindi ko daw siya pinapansin at para patunayan sa akin na nagsasabi siya ng totoo. Pinagbigyan ko para matapos na rin ang lahat.

But I wished I didn't give her the chance to show me the proof. Sana rent-free sa isip ko na single ako. The papers showed na kasal talaga kami. Halos isumpa ko lahat ng mga anito at anita sa sandaigdigan dahil authentic at legal ang mga hawak niyang mga papeles. I, Kierra Angelique Rodriguez is no longer single and that I'm married to Selene Andrea Montezor, alias Snow Witch with chinky eyes.

Inagawa ko sa kaniya ang mga papeles at nagmadaling umuwi, ipinakita ko ito sa isang mapagkakatiwalang abogado. My Aunt Adora verified it and yes, I'm married without knowing it. She adviced me to take it to court, she said something about grounds and some republic act that I don't quitely recall. But she also advised me to wait until the dissolution of the marriage contract at kahit sumasakit ang ulo ko sa problemang ito, naki-ayon nalang ako. If I were to take it to court, I'm sure my mother will know and God forbid I hope she won't find this out.

Sinubukan kong hanapin ang address ng presider sa Boston but sadly, the judge who married us died two years ago. I even hired a private investigator to investigate the said judge only to find out that it was Selene's grandfather who wedded us.

O, 'di ba, ang ganda din ng plot twist ng kalokohang ito. Kaya malakas itong si Selene makapagsabi na kasal kami kasi lolo naman pala niya ang presider. Gusto ko kasing malaman kung paano at bakit humantong sa ganoong sitwasyon ang lahat, kahit si Selene ay hindi niya din alam. Only one person knew what really happened pero hindi puwede.

Si Clio Santander ang natatanging may alam pero wala ito sa Pilipinas. Nasa Portland na ito dahil sa isang pangyayari na habang buhay na yatang nakaukit sa buhay namin. It was a dreadful evening that resulted in me having selective amnesia. Kaya rin siguro wala akong maalala dahil dito. So, I have no other choice but to stick with the conditions and besides,  malapit na ring magtatapos ang kontrata. It's two months from now.

"Rodriguez!"

"And speaking of the wicked snow witch..."

Tumalikod ako para takasan siya, she was still shouting my name. Buwisit na babae, nagiging center of attraction na naman kaming dalawa dahil sa kagagawan niya. Bakit kasi hindi niya kayang mag-pretend na hindi kami kasal?

Selene MontezorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon