Nine

8.9K 330 204
                                    

KIERRA RODRIGUEZ

"I love my...morena...girl..."

Naikot ko ng wala sa oras ang mga mata ko. Kanina pa kasi ako naririndi sa paulit-ulit na pagkanta ni Mercury sa isang bisayan song. Tiningnan ko siya ng masama pero ang loka nakapikit pa at feel na feel ang pagkanta.

"Hey, Inday. Tagda sad ko gamay. Basin wa lang ka kabantay ba. Pirte nakong igoa. Sa imong pagka-payter. Molaag ka's Colon. Memorize pa gyud ang tanang lyrics. Sa Missing Felimon."

At bago pa siya bibirit sa chorus, pinigilan ko na siya. "Pwede ba, Mercurio? Sampung beses mo nang inulit-ulit ang kantang 'yan. Hindi ka ba nauumay?"

"Mao ning akong kanta. Paparaparapara's imoha. I'd go and travel halfway round the world for my morena girl..." inakbayan niya ako. "Sabayan mo na ako, K."

Inalis ko ang braso niya sa balikat ko. "Tumigil ka na nga d'yan."

Tumawa siya. "Ang KJ mo today," sinamaan ko siya ng tingin. "Ang sungit mo, grabe! Uso mag-move forward, teh."

"Tara na, nag-head count na si Prof." Yakag ni Chrome sa'min.

Mabuti nalang dumating ang pinsan ko kundi baka nabatukan ko na naman 'tong magaling kong kaibigan. Tumayo na ako at naglakad papunta sa karamihan. Ngayong araw na kami pupunta sa tribu. Medyo kinakabahan na din ako kasi first time ko silang makakasalamuha. Luminga ako at 'di ko na naman nakita si Selene.

Nasaan na naman ba ang babaeng 'yon?

"Kung hinahanap mo ang wifey mo, well, nasa tribu na siya." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lux. "She told me."

Tumango nalang ako bilang sagot.

"So, all are here except kay Ms. Montezor." I rolled my eyes. "Anyway, our agenda for today is to know them well, their history, beliefs and other related things about them." Paliwanag ni Prof. "So, let's go and please, stick with your partner."

"Excuse me, Prof," I called him. "Wala 'yong partner ko."

"Oh, nauna na si Ms. Montezor. You're lucky, Ms. Rodriguez, she's your partner. Mas may alam ka na sa pupuntahan natin." Dagdag niya pa. "Let's start walking people!"

Napaawang ang bibig ko.

"Should I be happy about that?"

"Of course, she's your wife." Inaapakan ko ang paa ni Mercury. "Hey!"

Binelatan ko nalang siya at nauna nang maglakad sa kanilang lima.

"I would like you to meet Izog, he will be your tour guide for today." Nagpalinga-linga ako. "Okay, let's give him a warm welcome."

Saan kaya siya?

I almost freaked out when someone grabbed the hem of my shirt. Makakatikim na sana ng isang milyong mura ang salarin, but to my surprise, isang maliit na bata na walang saplot sa katawan ang nakatingala sa akin. He's looking at me as if he's trying to read my mind. Medyo kinilabutan ako do'n.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Ano 'yon?"

May itinuro siya na isang kubo. Tiningnan ko naman pero wala akong nakitang tao. I look at him again. He's telling me something in his eyes. Lumingon ako sa direksiyon ni Prof and thank God that he's not looking.

Sumunod nalang ako sa batang lalaki dahil hila-hila niya ang kamay ko. Dumiretso kami sa kubo at pumasok sa loob. Binitawan niya ang kamay ko at tumakbo palabas ng kubo.

Okay? This is weird.

Nagtingin-tingin ako sa paligid. Walang halos gamit at puro papag lang ang nandito. I wonder kung saan sila kumakain. Nakarinig ako ng mahihinang tawa.

Selene MontezorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon