Twenty Three

8.5K 311 152
                                    

Selene Montezor

"You should minimize yourself from using gadgets. Baka nakakalimutan mong may tao na sa tiyan mo."

Tinapunan ko lang ng maikling tingin si Nemo at bumalik ulit sa paglalaro ng Helix Jump. Pinalabas ko lang sa kaliwang tainga ko ang panenermon niya. I'm not in the mood to listen. And I'm not in the mood to talk.

All because of Kierra Angelique Rodriguez. Isang buwan na niya akong hindi kinokontak. I don't have any idea of her whereabouts or kahit anong balita man lang sa kaniya. I've been calling and reaching out to her pero wala akong natanggap ni isang salita mula sa kaniya.

Hindi man lang niya ako binisita no'ng na-hospitalized ako. She's hurting my feelings. She's hurting my baby's feelings. She's hurting us! Baka nga wala siyang idea na may anak na siya. 

But, I doubt that. If she doesn't want me anymore, then so be it! Mabubuhay naman kami ng baby ko kahit wala siya. Naitapon ko ang phone ko. Ugh!

"Whoa! Naiinis ba ang buntis?" nakangising wika ni Dione. Kakapasok pa lang niya at may dalang basket na puno ng prutas. "I was told that fruits is best for preggo pips like you, my dearie."

"Come here, Dione." I tapped the space beside me. Kumunot ang noo niya but she obliged. "Faster nga!"

"What is it?" 

I cupped her face. Nginitian ko siya ng matamis at unti-unting nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Mas lalong kumunot ang noo niya.

I bit her nose.

"What the fuck?!" diniinan ko ang pagkagat sa ilong niya. "What the fuck, Andrea?! Get off me, bitch!" 

Binitawan ko na siya at sumandal sa headboard ng kama ko with a triumphant smile on my face. "Damn, I've been wanting to do that!"

"What the fuck is wrong with you?!" hawak-hawak niya ang ilong niyang kinagat ko. She was hissing. Tatawa-tawa lang kami ni Nemo habang nakatingin sa kaniya. "Damn, bitch! Look what you've done to my nose!" 

"Pakagat ulit ako, Dione. I like your nose. Ang tangos kasi. Mas matangos pa sa ilong ni Nemo." 

"Fuck you?!" she massaged the temple of her nose. Ang cute niyang tingnan. "Shit! Shit! My nose hurts!" mas lalo akong natawa sa kaniya. "Shut up! Shut up! I'm outta here!" Then she stormed out of Helen's room after saying that.

"What happened to, Dione?" nagugulumihang tanong ni Psyche. Marahil ay nakasalubong niya si Dione. God, her face was so epic. "Panay mura siya and she hissed at me. What happened?"

"Preggo happened," sagot ni Nemo. Napasimangot ako. Naiinis ako sa boses niya. "She bit Dione's nose-- that's what happened. Ano 'yan?" sabay turo sa hawak na mangkok ni Psyche.

"It's a soup. For the preggo." tumabi siya sa'kin at inilapag ang tray sa harap ko. "Eat up. Para magkaroon ng milk iyang dede mo."

"Anong pabango mo, 'Len?" inamoy ko siya. She smells nice. I smelled her neck. "What's your perfume?" 

"Hmm, it's Lauren's perfume. Mabango ba?"

"Nasaan si Lauren?! Papuntahin mo siya dito, ora mismo!" itinulak-tulak ko siya. I need to know the name of the perfume. "Will you do it faster, Psyche Helen?! Ang kupad-kupad mo!"

"Fine, fine. I'll call her." tumayo siya at kinuha ang phone niya. Napapalakpak ako sa tuwa dahil malalaman ko na rin ang perfume na gamit ni Helene. Kinuha ko ang kutsara at masayang kumain sa soup na gawa niya. "Lauren, can you come here?" lumbas siya ng kwarto. 

Pangiti-ngiti pa ako when Nemo spoke again. "Patikim ako, pregs."

"Buhay ka pa pala?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Pasalamat ka buntis ka kung hindi..." she trailed off. Hinamon ko siya with my stare. "Kundi wala. Churva chenes ko lang iyon," tinabihan niya ako. "Patikim na ako, o."

Selene MontezorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon