Thirty-one

7.9K 287 584
                                    

Selene Andrea Montezor

Hindi na sana pa ako sumama kay Artemis. Coming here was a big mistake. But I don't blame her. It was my fault kasi nagpumulit ako na sumama at kung may nangyaring masama sa anak ko, it's entirely my fault. Hindi ko siya nabantayan at napabayaan ko ang baby ko.

Pinahid ko ang mga luhang nag-uunahan na namang tumulo. I've been crying since last night.  I was so scared. Para akong masisiraan ng ulo, Demeter is my only treasure and I can't afford to lose her.

I caressed her puffy cheek. Tulog na tulog siya dala ng takot at pagod sa pag-iyak. Matagal siya bago tumahan. Ramdam na ramdam ko ang takot niya no'ng mga sandaling iyon. And I freaked out nang makita kong may mga galos siya sa kaniyang mga braso at tiyan. I was afraid she might get a fever lalo na at nababad siya sa tubig, pero salamat sa Diyos at hindi naman.

"Selene," Cyrene called. Nilinga ko siya. "Someone wants to talk to you." As if on cue, pumasok sa loob ng kwarto si Kierra Rodriguez. Even her name tastes bitter on my lips. "I'll leave you two."

Bumaling ulit ako ng tingin sa anak ko. She's sleeping peacefully.

"Thanks, couz." I wonder why she she showed up all of a sudden. After all the things she said to me, babalik siya na parang walang nangyari? Ang kapal din talaga ng Rodriguez na 'to. My life is fine. Our life is fine without her. And now that she's back, anong gusto niyang palabasin? "Hey..."

Napaismid ako. I wanna kick her balls. Nanggigigil talaga ako sa kaniya. Ang lakas niyang makapagsabi kung anong klaseng ina ako. Then, how about her? Anong klaseng ina siya? May matinong ina ba na nagpapa-abort ng walang kamuwang-muwang na bata?

Kung wala lang ako sa teritoryo nila, kanina ko pa siya nasampal ng ilang beses. But I had to restrain myself dahil kasama ko ang pamilya niya and as a respect dahil pinsan siya ni Artemis. Kung makaasta siya, parang marami siyang nagawa para sa anak ko, just so she knows, semilya lang ang naiambag niya.

"Hey..." pukaw niya.

"What?" As much as I don't want to have any connections with her, I'm not that rude para hindi siya kausapin. After all, she's still a part of my Demeter's life. Sooner or later ay malalaman din ng anak ko ang katotohanan sa pagkatao niya. "May sasabihin ka ba?"

"Uh," she cleared her throat. Nagpatuloy lang ako sa paghaplos sa buhok ng anak ko. "H-how is s-she?"

I can't help but raise a brow. No'ng sinabi ko sa kaniya na buntis ako, she never asked me that. Instead, she told me to abort the baby. Gago siya. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'yon. "Well, as you can see, buhay pa naman at humihinga ang anak ko." binigyang-diin ko talaga ang huling dalawang salita. Simula nang sabihan niya ako ng mga salitang 'yon, wala na siyang karapatan sa anak ko. Demeter is mine at magkakamatayan kami ng taong susubok na kunin siya sa akin.

"Anak ko rin siya."

I scoffed in disbelief. Ang kapal-kapal ng pagmumukha niya. "She's not yours."

"Oh, really?" hamon niya. Hindi nalang ako sumagot. Of course, I forgot that she's a Valerio or whoever the fuck she is. What I know is that isa siyang gago. "I have a proof that she's mine."

I closed my eyes. I need to calm down. Ayaw kong magising ang anak ko. She deserve that peaceful sleep. At maibibigay ko lang 'yon kapag hindi ko papatulan ang isang gagong katulad ni Kierra Rodriguez.

"Edi sa'yo na. So what?"

"I want to be a part of her life."

Ang kapal talaga! "You wish..." I whispered. Pero nagkamali ako dahil narinig niya. I shrieked when she punched the table beside Demeter's bed. I alerted myself to see my baby kung nagising ba siya. Thank God she's very asleep. I looked at Kierra with hatred and disgust. "Ano bang problema mo?"

Selene MontezorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon