Twelve

9.2K 381 333
                                    

Panay ang iwas ko ng tingin sa taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko kayang tingnan siya ng deretso nang hindi ko maalala ang nangyari kanina sa may sapa. Medyo sumasakit na rin ang leeg ko dahil sa gilid lang ako tumitingin. Kinakabahan na rin ako at baka may plano siyang mag-higanti do'n sa ginawa kong hindi pagtulong sa kaniya.

"Cous," tawag ni Chrome sabay tapik sa balikat ko. "Are you okay?"

"Y-yes..." Napainom ako ng tubig. "Bakit mo na-tanong?"

"Napansin ko kasing hindi mo man lang ginalaw ang pagkain mo. "Napatingin ako sa plato ko. "Ubusin mo na 'yan at magsisimula na maya-maya ang bonfire."

Napakamot ako sa batok. "Uh, cous, pwede bang ikaw na mag-ubos nito?" Umarko ang kilay niya.

"Tsk," kinuha niya ang plato ko. "Kukuha-kuha ng madaming pagkain tapos 'di naman pala kakainin. Hindi mo man lang naisip na may mga taong nagugutom dahil walang pambili tapos ikaw sinasayang mo lang." Mahabang litanya niya.

"Nice speech, Sinclair." Puri ni Lux sa kaniya.

Inirapan lang siya nito. Napailing nalang ang una sa pinsan ko at tumabi ng upo sa akin.

"Hi." Bati niya.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya.

"Are you looking for something?"

"H-ha?"

She clears her throat. "I mean, are you looking for someone?"

Ilang segundo akong napaamang sa tanong niya. Wala sa sariling inilibot ko sa paligid ang aking paningin at hinanap ang isang taong gusto kong makita. Unfortunately, wala na si Selene sa kinauupuan niya kanina. Mukhang napansin iyon ni Lux kaya nagbaba nalang ako ng tingin at kumuha ng bato para pagtakpan pa-simple kong paghanap kay Selene.

Tumikhim ulit siya. "She's waiting for you."

"Huh?" Kunwaring hindi ko nakuha ang sinabi niya.

She rolled her eyes. "Tumayo ka na d'yan." Nag-dikit ang mga kilay ko. "Tayo na at sumunod ka lang sa'kin."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Fine."

Tahimik lang akong nakasunod kay Lux sa paglalakad. She's not even saying a word. Medyo nilalamig na ako kaya niyakap ko ang sarili. I look around. Napansin kong papasok na kami sa kagubatan at tila hindi man lang alintana ng kasama ko ang paligid.

Humabol ako sa kaniyang paglalakad at kinalabit siya.

"Saan ba talaga tayo pupunta, Lux?"

"You'll see." Napakapit ako sa kaniya ng mahigpit nang may tumunog na kung ano. "Relax, it's just a toad." Natatawang sabi niya.

"Pwede ba, will you stop laughing?" Pagtataray ko.

Nagkibit-balikat lang siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kinakabahan na talaga ako sa babaeng ito. Lumingon ako at kadiliman lang ang bumungad sa'kin.

"This is not a good joke, Luxenne."

"Relax," naramdaman kong huminto siya. "We're here."

Inilibot ko ang buong paningin sa paligid. Sa likod niya ay may malaking puno na nakakatakot tingnan. May naaninag akong parang ladder paakyat sa itaas ng kahoy. Tiningnan ko siya.

"May gusto ka ba sa'kin?"

Nahinto siya saglit at pagkaraan ng ilang segundo ay bigla siyang tumawa. Nagsalubong ang mga kilay ko. Napahawak na siya sa tiyan niya dahil sa kakatawa.

"Walang nakakatawa, Romualdez!"

"Pfft." Pinanlisikan ko siya. "Okay, okay." Itinaas niya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Gosh," she wiped something from her eyes. "You're so funny, Kierra."

Selene MontezorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon