Thirty-two

7.7K 254 363
                                    

Selene Andrea Montezor

"Mami, let's go na po!" I can't help but smile as I watch my daughter wearing her school uniform. She's attending kindergarten and I'm so excited na ihatid siya sa school niya. Hindi siya masiyadong nakatulog kagabi sa sobrang excitement. Parang kailan lang, she's so tiny, so delicate and now, malaki na siya at isang napakabibong bata. "Mami! Hmp!"

"Alright, alright," naiiling na wika ko habang kinukuha ang maliit niyang bag. Ngumuso siya na ikinatawa ko. She's so cute! "Okay, here's your bag. But, you're gonna hold Mami's hand, okay?"

"Yehey!" masiglang isinukbit niya ang kaniyang Snow White na bag. "Tara na po, Mami! Late na po ako."

"Okay, chubaby..." Kinarga ko siya. Nagpupumiglas siya dahil gusto daw niyang maglakad. I didn't let her. Minsan ko nalang nagagawa ito dahil si Artemis ang laging bumubuhat sa kaniya. And speaking of her, it's been two weeks since we left Isla Memorata. Iyong nangyari sa cave, well, I'm treasuring it for all the rest of my life. Napahawaka ako sa pendant ng kuwintas at napangiti. I feel like a teenager again.

"Mami? 'Di pa po ba tayo aalis?"

Ako naman ang napanguso. "Opo, Madam chubaby. Aalis na po tayo." Isinuot ko na ang seat belt sa kaniya at tahimik na pinaandar ang kotse palabas ng subdivision. Ang fiancee ko dapat ang magahahatid sana kay Dem but she got a call from Cyrene, emergency daw.  And yes, fiancee talaga dahil binigay na niya sa akin ang moon. Tsk, that Fuerteventura really knows the way to my heart.

Mabilis lang ang naging biyahe namin dahil walang traffic sa highway na siyang  ikinagulat ko. Usually sa mga oras na ito, puno na ang lansangan ng mga sasakyan but surprisingly, mabilis ang daloy ng traffic.

It's a first.

"Now, listen to Mami." I held her hand at sabay na naglakad sa hallway. "Here's your phone. Call kita later. Kapag nag-ring, ibigay mo kay teacher, ha?"

Tumango siya. "Okay po, Mami."

"Good girl." Hinatid ko na siya sa room niya. I hugged her tight. "Behave ka, ha? Tapos kapag nag-ask si teacher, sagot ka, ha? I love you, baby..."

She hugged me back. "Wavyu, too, Mami!" pinupog niya ng halik ang mukha ko. She's really the sweetest baby. "Alis ka na po, Mami?"

"Later na, baby. Wala pa si teacher mo. I'll stay with you muna." Humanap ako ng mauupuan dahil nakakangalay tumayo. Sarado pa ang room niya kaya naman maghihintay ako na dumating iyong teacher niya. Pinaupo ko siya sa lap ko. "Pagdating ni mag-greet ka ng good morning, ha? Tapos mag-bless ka."

"Opo, Mami!"

"Good." I checked my watch, may fifteen minutes pa bago ang alas nuwebe. Mamayang ten pa iyong klase ko. I'm taking my last units sa MBA para naman sabay kaming pumapasok ng anak ko. Nahihiya na nga ako minsan kay Artemis dahil siya na ang umako halos ng responsibilidad na dapat ay si - oh shit. I shouldn't be talking about that woman. Mabuti nalang at hindi na nagkrus ang landas namin after that heated argument we had.

Five minutes before nine, may nagbukas na ng room nila Demeter. Nagtaka ako dahil hindi naman 'yon ang teacher niya. But she's quite familiar.

"Mami, diyan na po si Teacher Becka. Tara na po." tumayo siya at hinila ako papasok ng room nila. She greeted her teacher, "good morning po, Teacher Becka!"

"Hey. Good morning, too, Demeter." ganting bati naman ng teacher niya.

"Bless po." I smiled at my daughter. Sinunod niya talaga ang mga bilin ko. "Ay! Teacher, ito nga po pala ang Mami ko. Mami, si Teacher Becka po. Siya po iyong new teacher ko kasi nagpunta pong hospital si Teacher Mia dahil po lalabas na daw po iyong baby pakwan niya sa tummy."

Selene MontezorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon