Ten

9.5K 380 192
                                    

KIERRA RODRIGUEZ

Pabagsak akong nahiga sa damuhan. Sobrang na-drain ako sa naging activity namin kani-kanina lang. First time kong magtanim ng palay. I admit, nakakapagod siya pero na-enjoy ko amg lahat. Hindi ko inasahan na gano'n pala ang ginagawa ng mga farmers para lang magkaroon tayo ng bigas na kakainin.

I close my eyes and let the ray of the sun touch my face. Hindi na rin naman gaanong masakit sa balat dahil pasado alas cuatro na ng hapon. Naramdaman kong may tumabi sa akin. Hinayaan ko nalang kung sino ang taong 'yon since I'm too tired to shoo this person anyway.

Biglang umihip ang hangin at tinangay nito ang amoy ng katabi ko. Amoy tsokolate ito na may halong cherry kaya napadilat ako. Isang tao lang naman ang may gano'ng amoy. I glance at the person at my left.

"Selene." I whispered.

Hindi siya gumalaw, marahil ay tulog ito. Naupo ako at pinagmasdan siya. Her face is covered with her left arm and her eyes are closed. Her mouth is slightly parted. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

Pero, ilang segundo pa lang ay tumingin ulit ako sa maamo niyang mukha. Mabait siyang tingnan kapag tulog, kapag kasi nakadilat, kung ano-anong kalokohan ang naiisip. Napailing ako. Naisahan niya ako do'n kanina sa gubat.

And speaking of that...

"Hoy," tinapik ko ang pisngi niya. "Selene. Hoy." Umungol siya. "Gumising ka na. May dyosa daw."

Dumilat siya at naupo. Nagpalinga-linga siya. Muntik na akong matawa sa kaniya.

"Pfft."

"Where's the goddess?"

I rolled my eyes. "Ako."

She turned to me with furrowed brows. "Ugh..."

"Duh, may kasalanan ka sa'kin."

"And what is that?"

"Hoy, bakit mo sinabing nakakamatay 'yong ahas kanina?"

Kununot ang noo niya. "What snake?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "You don't have amnesia kaya alam mo kung anong sinasabi ko."

"Oh," umayos siya sa pagkakaupo. "That snake..."

"Hindi naman pala poisonous 'yon, eh! Niloko mo 'ko!" Sumandal siya sa'kin. "Lumayo ka nga!" Hindi siya natinag. "Selene, ano ba?"

"Just this once, Ker, please."

I sighed in defeat. Hinayaan ko nalang sumandal siya sa'kin. I turned around. Kami lang pala ang nandito sa burol. Bumaling ako sa kaniya. Nakatulog na 'ata siya.

Medyo naawa ako sa kaniya kaya hinapit ko pa siya palapit sa'kin. Hindi lang kasi siya nagtanim ng palay but, she also took part in delivering a baby carabao. Sa aming lahat, siya lang ang may alam kung paano magpaanak.

Hinaplos ko ang buhok niya; even her hair smells chocolate. I kissed her temple. Tumingala ako sa langit at pinanuod ang papalubog na araw.

"The sky is burning red." I nodded in agreement. "Let's take a picture together."

"Huh?" Hindi ko man lang namalayan na gising na pala siya.

At bago pa ako makapag-protesta, she fished her phone and clicked the camera. She's giggling while looking at our photo. I frowned.

Ang jeje ko!

Naka-nganga ako habang nakatingin sa kaniya.

"Delete it!" Reklamo ko.

"Why would I? You're so cute here."

"What?"

"Puro ka 'what', Kierra." Tumayo siya. "Come on, it's nearly supper."

Selene MontezorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon