Eighteen

8.7K 296 183
                                    

Selene Montezor

Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa malawak na karagatan. It's our second day dito sa Isla Ligaya and I haven't seen Ker since yesterday. Nagtanong ako sa concierge kahapon kung mayroon silang guest na Kierra Rodriguez pero ang sagot ay wala daw.

I shake my head. Kung wala, so, ano pala ang nakita namin kahapon, multo? I sighed. I even asked the other concierge but their answer is always the same. Walang Kierra Rodriguez.

How does that even possible?

Maybe she's not using her real name. Nag-isip ako. Ano naman kaya ang ginamit niyang pangalan?

Tinawag ako ni Echo, "Ate Rhei, let's go swimming." aya niya habang tinatali ang buhok niya.

"Kayo nalang," pagtanggi ko. "I'll swim later. I just have to check on something."

"Oh, okay, Ate. See you later!" kumaway siya bago sumakay sa isang golf cart na sumundo sa kaniya.

Naroon na kasi sila sa beach habang ako ay nandirito pa rin sa exclusive villa na pagmamay-ari ni Lauren. I didn't know na member pala siya ng Isla De La Reine.

Wait. If Lauren owns a villa here, so maybe Ker have one too! That's right! Bakit ba ngayon ko lang 'yon naisip? Kung ano kasing mayroon si Lauren, mayroon din si Ker. I'm sure of that. All of the Sinclair spawns are equal.

Kung mayroon ang isa, mayroon ang lahat. I moved out from the veranda. Naglakad ako papunta sa Queen's Hub, the only restaurant here.

Lumapit ako sa receptionist at binati siya. "Hi, good morning!" I looked inside the resto. "I just want to ask if someone named Kierra Rodriguez has a villa here?"

"Good morning din po, Ma'am!" masiglang bati niya. "Hmm, si Ma'm Vishnu po ba ang tinutukoy ninyo?"

Kumunot ang noo ko. Isn't that her mom's name?

"Ah, I think that's her mom." alanganing sagot ko. "Si Kierra Rodriguez, that one girl who has a weird hair."

Kumunot din ang noo niya. Mukhang hindi niya 'ata kilala. But, it only means, si Mommy Vishnu ang may villa dito?

"Iyon nga po, Ma'am!" she confirmed. "Dati pong kulay blue 'yong buhok niya?" tumango ako. "Opo, si Ma'm Vishnu Rodriguez nga po iyong tinutukoy ninyo."

What?

"Wait, wait. Kierra ang name niya at hindi Vishnu." pagtatama ko. Nagbago siya ng name?

"E, iyon po kasi ang nandito," pakamot-kamot sa ulo na sagot niya. "Sa katunayan nga po, may dinner reservation siya dito mamayang alas siete ng gabi, Ma'am."

So that explains it. She changed her name. I clicked my tongue. What a clever girl. Tingnan lang natin Ker kung sinong mas clever sa'ting dalawa. You can't hide anything from me.

"Can I ask if where she lives?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Ah, katabi lang po iyon sa bahay ni Ma'am Levi Montemayor." may kinuha siyang papel at ibinigay sa'kin. "Turista po 'ata kayo kaya heto ayan po, map po 'yan ng buong Isla De La Reine." Ito po," may itinuro siyang dot, "villa po 'yan ni Ma'am Levi then kay Ma'am Vishnu na po sunod."

Matagal ko munang tinitigan ang map. I don't know why but why do I feel like it going back to Calle Dyosa. I kinda miss my house there. Sana doon nalang pala muna ako nag-stay para makapag-isip ako.

"Thanks, ha?" I smiled at Sally, the receptionist. "Anyway, 'yong reservation niya ba, for two?"

Tumango siya, "Yes po, Ma'am."

"With her b-boyfriend?" parang may bumikig sa lalamunan ko nang banggitin ko ang huling salita. Gosh. Why do I have to ask that?

"Ay, bawal po dito lalaki, Ma'am." nakangiting saad niya. "Sa Isla Ligaya lang po pwede ang mga lalaki. Kapag dito na po kasi, girls lang po ang allowed. Girl power po tayo dito, Ma'am!" she giggled with matching hand gesture.

Selene MontezorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon