" Pag ang isang bagay ay pinakawalanan mo na , sinabe mo na rin na wala kanang karapatan dito "
REN POV:
Hanggang ngayon nasa isip ko parin ang kanyang mukha , ibang iba na siya . Ang laki nang pinagbago niya sa pananamit , pagsasalita , sa pisikal niyang katangian at mas lalo na ang kanyang ugali . Ibang iba na ang pakikitungo niya sa ibang tao hindi siya si ALQUINE , ang laki nang pag kakaiba nila .
Hindi ko siya masisisi kung nag bago na siya , kung tutuusin kasalanan ko naman ang lahat . Kasalanan kung mas inanuna ko yung iba , kasalanan ko dahil kahit mahal ko siya . Minahal ko ang bestfriend niya .
" Ren okay ka lang ba ? " tanong sakin Drake
" Pare bumalik na siya ! " sagot ko na parang hindi maintindihan ang itsura
" Sino ? " agad na tanong ni Mark
" Wag mong sabihing may pinaiyak ka nanamang babae ? " pabirong tanong rio
" Hindi pare bumalik na s---- "
" Bumalik na ALQUINE guys " hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil tinapos na ni Rheal ang girlfriend ko .
" What bumalik na yung Nerd mong Ex and Nerd mong bestfriend ? " tanong ni Drake na halatang nagulat
"Hindi na siya Nerd pre and laki na nang pinagbago niya " sagot ko rito
" So ano naman kung bumalik na siya , isa pa rin naman siyang Nerd at hindi mo na naman siya mahal diba ? tanong ni Mark na ikinagulantang ko
" Malamang diba pustahan lang naman yun tyaka ang totoo namang mahal ni Ren is si Rheal ! " imbes na ako ang sumagot si Drake ang sumagot
" Tama na nga yan ! " bulway ko sa kanila
" Bakit Ren Mahal mo ba siya ? " tanong ni Rheal kaya natahimik ako . Mahal ko ba siya ? Minahal ko ba talaga siya ?
" Ano bang klaseng tanong yan Rheal ikaw ang girlfriend ko " sagot ko nalang
" Oo ako ang girlfriend mo Ren pero hindi ko alam kung ako ba ang mahal mo ! " sigaw niya at agad tumakbo .
Hayyy ! Ang drama talaga nun .. Hindi ko alam kung anong problema niya ! Sa araw araw na lang lagi kaming nagaaway . Napaka selosa kasi gusto niya laging nakatuon ang pansin ko saknya .
Mahal ko pa kaya siya ? Ano kayang mangyayari ngayong bumalik na siya , ngayong bumalik na ang babaing nasaktan ko nang sobra .
RHEAL POV
Pag katapos kung sabihin kay Ren yun tumakbo na ako papuntang CR . Bat ka pa kasi bumalik , bakit kailangan mo pang mag pakita ulit sa amin ALQUINE . Hinding hindi ako magpapatalo sayo , hinding hindi mo siya maagaw sakin .
Nag lakad ako papuntang cafeteria para kumain ayuko pa kasing makasama yung boyfriend kung yun . Naiinis ako sa kanya , simpleng tanong hindi niya masagot
" Fuck ! " napamura ako nang dioras nang matapunan ako nang Spagetti " Ano ba ! Wag ka ngang tatanga tanga ! " bulyaw ko sakanya sino ba kasi tong bobang to !
" Tatanga tanga ikaw ata yun ! " sagot niya guess who Alquine
" What did you say ? " tanong ko rito habang naka pamewang