#17

23 0 0
                                    

REN POV:

Dumating na yung araw na pinakahihintay ko , ito yung matagal ko nang pinapangarap , matagal ko nang hinihintay na mangyari . Hanggang sa ngayon hindi parin ako makapaniwala , na ang babaing mahal na mahal ko ay mahal din pala ako . Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan , kung paano ko maipapakitang totoo lahat nang sinabi ko sa kanya . Pero gusto kung may mapatunayan sa kanya , hindi sapat na mahal ko lang siya , at hindi rin sapat na mahal niya rin ako para makampante ako . Gusto kong gumawa nang isang bagay na magiging dahilan para hindi na kami muli pang magkahiwalay . 

" Ate cath ! " sigaw ko sa loob nang bahay , dito muna ako ngayon gusto kung malaman ni ate cath ang nangyari ngayong araw na to . Pero bakit parang wala atang tao dito ngayon ? Asan kaya sila .

Sir Ren wala po dito ngayon ang Ate cath niyo " sagot naman nung maid namin . Eh asan pumunta yun ? Baka naman nag hanap nang boyfriend . XD 

" Ah ganun po ba manang , cge pakisabi nalang po sa kanya pagdumating na nasa kwarto lang ako" Bilin ko rito .

" Sige po sir " sagot naman nito saakin , kaya agad na akong pumanik at humilata .

Maya maya hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako . 

" REN !!! " Napabalikwas ako nang may marinig akong malakas na boses na tumatawag sakin , sino ba kasi yun . Sarap sarap nang tulog nang tao dito , kung makasigaw naman ! " Ren ! gumising ka na nga dyan . ! " sigaw nanaman , si ate Cath talaga pag siya ang nandito sa bahay puro nalang ingay ang dala niya . 

Oo bababa na ako ate ! " sagot ko nalang at agad nang tumayo , mahirap na noh ! Malay ko ba kung may spare key si ate cath mamaya hampasin ako nun . 

Maya maya bumaba narin ako at nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa , at parang may malalim na iniisip . Tumabi ako rito pero hindi parin siya nagsalita .

So ano ? Magtitinginan nalang tayo dito ? " tanong ko rito " Pinababa mo ako tapos wala ka rin palang sasabihin ! " dugtong ko pa kaya biglang nanlisik ang kanyang mga mata . Yung parang mangangain nang tao !

Tumigil ka nga sa kadramahan mo diyan Ren ikaw ang dapat mag kwento sakin ! " sagot kaya nabigla ako at nanlaki ang mga mata ko .

Ano ? Nagtataka ka kung bakit ko alam noh ? Ganyan talaga Ren ! " confident niyang sagot , nakakatawa talaga itong ate ko bukod sa ubod nang kulit ubod din nang pagiging chismosa .

Ano bang dapat kung sabihin sayo " pagmamaangmaangan kong sagot sakanya .

Magkukwento ka ba o matutulog na ako ? " tanong niya sakin 

Ate mahal daw niya ako ! " ang bakla man nang pagkasabi ko pero punong puno ako nang saya na nararamdaman dito sa puso ko .

Tapos ? Kayo na ulit ? " tanong niya naman na parang nagtatanong pero iba ang nasa isip niya .

" Agad agad ? Liligawan ko siya ulit " sagot ko naman rito . " Pero ate bakit parang iba ang aura mo ngayon ? " tanong ko sakanya , sa totoo lang kanina ko pa napapansin na parang wala siya sa sarili niya .

Ano bang pinagsasabi mo ? " pag mamaang maangan nito sakin , alam kung may nangyari eh . Alam kung may dapat akong malaman .

Yung nakikita ko , hindi mo na kailangang magdeny ate . Nakikita ko na may bumabagabag sayo ! " sagot ko naman saknya , at doon kulang napansin na may pumapatak na palang luha sa mga mata niya . Hindi ako sana'y na makitang nagkakaganito siya , huli ko siyang nakitang umiyak nung nagbreak si ni kuya Michael . " Ate anong problema ? " tanong ko muli sakanya pero tuloy parin sa pagpatak ang kanyang mga luha .

Ren I'm getting married . ! " sagot niya kaya nabigla ako .

To whom ? " tanong ko rito . Hindi ko maintindihan ang nangyayari 

To Jeff , Ren hindi ko mahal si Jeff alam mo yun diba ?  I dont love him , I still love Michael " sagot sakin ni ate kaya niyakap ko siya , Kilala ko si ate alam kong hanggang ngayon si Michael parin ang laman nang puso niya .

Sino ba ang nagplano nito ?" tanong ko sakanya na may seryosong tanong 

" Si Dad *sob* *sob* " sagot niya habang humihikbi . Anong nangyayari kay Daddy hindi naman siya ganito .

Dont worry ate kakausapin ko si Dad " sagot ko sakanya , habang patuloy parin itong umiiyak . 

After 4 hours 

Ang tagal din bago ko napatahan si Ate , alam kong may rason si Dad kaya niya ito ginagawa pero ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang ipilit na ipakasal si Ate sa hindi naman nito mahal . Dad knows better , but i dont think he know the feeling my sister , nasasaktan si Ate nakikita ko yun . Kaya gagawa ako nang paraan para matulong siya kailangan kong makausap si Alquine .

To: Beb <3

Beb ' can we talk tommorow at the school garden ? 

Sa ngayon siya palang ang pwede kung pagkatiwalaan sa plano ko , kailangan niyang malaman lahat nang mga bagay na dapat gawin para kay Ate . 

Bzzt ! Bzzt !

From: Beb <3

Ocge. See yah tommorow :) 

Hindi na ako nag reply pa bagkos ay humilata nalang ako at natulog , kailangan kong isipin at planuhin nang maayos ang dapat kung gawin . Kailangan kong tulungan ang ate cath ko kailangan kung makabawi sa lahat nang mga bagay na naitulong niya sakin . 

Sorry po ulit kung late yung pag update ko nang chapter na ito :) Pasensya naging busy lang po these past few days :) 

Babawi ako , Dont forget to FOLLOW me and Vote po ah :) Thanks a lot .

~ KuLiitYah <3

Ms. Maldita REVENGE ( On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon