Ito ang tula
Para sa hindi tinadhana
Kung bakit ang lahat
Ay nawala nang parang bula, nang ako'y namulat
Ngunit ngayo'y alam ko na ang ugat,
Alam ko na , kung bakit hindi pa sapat
Hindi pa sapat, ang lahat ng aking pinagtapat.
Ngunit bago ang lahat,
Bago ko talikuran ang bawat sugat
Bawat luha
Bawat pagtitiis
Bawat pagtitimpi
Bawat pagtangis
Bawat paghabol
Bawat gabing pag-iisip kung anong nagawa
At kung anong pang pwede magawa
Para lamang masalba itong pagmamahalan
Na akala natin ay walang hanggan
Ay mabilis lang din naman palang tatapusin
Ang pagmamahalan nating bitin
Sa kabila ng lahat, nais kong sabihin
Na huwag mo sanang akalain
Na ang pagpapaalam ko ay puno lamang ng pait
Ng pait, galit, at sakit
Kaya ngayon, ako'y magpapaalam.
Magpapaalam ng may ngiti,
Paalam sa mga birong tayong dalawa lamang ang nakakaintindi.
Hindi kong makakalimutan ang ngiti sa iyong labi.
Paalam sa paminsan minsan nating paglabas at pagtakas,
Mula sa tanikala ng aking pagkataong marahas.
Paalam sa paminsang-minsang kamustahan,
Ang pag-uusap nating tila walang hanggan.
Paalam sa mga maiikling diskusyon at debate,
Akala ko sa piling mo, ako na ang pinakamaswerteng babae.
At higit sa lahat,
Paalam.
Paalam sa mga munting ala -ala
Na alam kong kahit kailan ay hindi na mauulit pa.
Kaya, kahit masakit,
Kahit naninikip ang aking dibdib, puso'y tila unti unting napupunit,
Kahit alam kong mahirap,
Mahirap dahil kahit saan ako titingin, ikaw ang aking nakikita
Kahit pakiramdam ko na ako'y dinaya
Dinaya ng pakakataon at tadhana
Sa larong ikaw at ako
Ikaw at ako ang laging talo.
Nais kong sa ating muling pagkikita,
At makikita kong kasama mo siya
Gusto kong makita ang iyong ngiti
Ang ngiting aking minahal
Ang ngiti, na dati rati'y ako lang ang nakakakita
Na walang pinagsisisihan.
Na walang pinagsisisihan.
At sa susunod na muli ka niyang iwan,
Para mo nang awa, gawin mo na ang lahat maliban
Maliban sa paghahanap ng panakip butas
Panakip butas sa puso mong puno ng gasgas
At sugat sa pagmamahal sa maling oras
sa maling tao, sa maling landas
Gaya ng pag-ibig nating minalas
Ngunit,
Sa lahat n gating pagkakamali, ito ang alam kong tama,
Ang pakawalan ka't pabalikin ka sa kanya
Dahil sa kanya, alam kong pareho tayong mas magiging masaya,
Ikaw, sa piling niya,
At ako, ako na ngayo'y malaya
At gigising sa umaga,
At maghihintay parang sa taong, para sa kanya,
ako naman ang una.
Paalam.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Patutunguhan
PoetryIto ay isang koleksyon ng mga tulang aking nilikha para sa aking sarili o di kaya'y para sa iba.