these are just some random crap that i write when i feel like writing idk idc
(unedited, ofc)
---
nakakapagod
nakakapagod huminga
nakakapagod umasa
nakakapagod ngumiti
nakakapagod tumawa, kahit sandali
nakakapagod lumangoy
lalo na't napupundi na ang apoy
sa kandila ng aking pagkatao
na aking pinaghirapang ibuo
ang mga pader na aking itinayo
ay walang babala't gumuho
sa isang ihip niya lamang
wala na ang akong maipagyayabang
---
sa bawat patak ng luha
lalong lumalakas ang tawa
ng babaeng matagal ko nang pinalayas
at habang tumatagal na ako'y ligtas
siya'y nagpupumiglas
at pilit na tumatakas
siya'y isang peklat
noo'y isang malaking sugat
na ako rin ang may sala
hindi ko siya ikinahihiya
ngunit di ko rin siya ikinasasaya
dahil ako'y siya
at siya'y ako
---
minsan, hindi ko alam kung bakit ako malungkot
kung bakit ako natatakot
kung ang lahat ay di naman ganoon kasalimuot
baka nga ako'y nasanay lang
akala ko yata, habang buhay na akong lulutang
---
ako'y isang tapunan ng kwento
ng mga sikreto
ng mga salaysay ng lungkot at abuso
o di kaya'y hingian ng payo
Marahil ito'y dahil isa akong taong
sa tag-ulan, madaling makisilong
ngunit sa tag-araw, sagabal na talukbong.
Taong hindi naman ganoon mapagkatitiwalaan
At wala namang siyang magagawa kung siya'y may malalaman
ngunit dahil mabilis akong sumakay sa trip niyo
pwede na rin, kahit papaano.
---
nakakahapo rin pala, ano?
na maging masaya para sa ibang tao
ngunit mas maganda na iyong maituturin
dahil kung mabuti nating iisipin
kesa naman hayaan ko ang hungkag kong sarili
baka kahit ang simpleng pagngiti, ang pakiramdam ko'y mali
---
lahat ng tao sa mundo ay kailangan
ngunit ang ilan
ay mas kailangan kaysa sa karamihan
naisip ko na minsan
sana, kung mararapatin
ako'y kasama
sa listahan ng mga taong may marka
na mas kailangan
sa mga taong kailangan
---
kung sa isang iglap
mawawala ang lahat
paano kaya mahahagilap
ang labi ko mula sa kalat
ng mundo na mahilig magpahirap
sa mundong lahat ay salat
hindi kaya natin mahanap sa alapaap
na hindi natin kailanman masusukat?
ngunit walang may alam sa magaganap
dahil hindi na ito mahalaga
sa huli nating paghinga
----
kung bakit ako nagsusulat ng mga tula
mga tulang maikli at mahaba
samantalang wala naman talaga akong talento
sa panulaan at pag-iimbento
ng mga salita at sa pagsusunod nito
upang makabuo ng isipang sakto
sa kung anong nasa isip ko
ngunit kung ito ang magiging gamot
ng mga luhang ayaw tumulo't tila takot
mas mabuti nang abalahin ko ang aking sarili
sa paghahanap ng mga salitang tutugma ang tunog sa huli
kahit na alam kong ang papupuntahan nitoy' walang katiyakan
mga tulang walang patutunguhan
---

BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Patutunguhan
PoetryIto ay isang koleksyon ng mga tulang aking nilikha para sa aking sarili o di kaya'y para sa iba.