hiatus//4

28 2 0
                                    

DAY4//022218

tungkol sa kahapon;

Sa pangatlong araw ng aking di pagsama
At pagtitiis sa pag-iisa
Di man lang nagtanong ang aking ina
Kung bakit tila di ko na kayang bumangon pa

Sa pagpili ng panig, aki'y nawari
Huwag nga naman dapat pangalanan
kung sinong kaibigan o hindi
Dahil lamang sa magkaibang gawaing dapat gampanan

Mabigat ang aking pakiramdam, ang pagod ay sagad
Dahil sa mga problemang mabagal ng usad
Nais ko na lang na ako'y makalimot,
O kaya naman, lahat ang mawalan ng ala-ala, lahat ay simot

-------

Tatlumpu't pitong bulaklak na nakaukit
sa pader na may tubig na tuloy ng agos
Aking binilang, tsaka pumikit
Ama, sana ang lahat ay maintindihan ko ng lubos

Mga Tulang  Walang PatutunguhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon