for him.

10 0 0
                                    

for him.

2/3
Sa tagal ng panahon na ika'y  aking pinagmamasdan
Di man lang naglaro sa aking isip na ganito ang kahihinatnan
Batid mo kaya ang aking paghihirap
Pareho kaya tayo, kahit kaunti, ng pinapangarap?

Kung bigla ka mang magising sa katotohanan
Na ikaw at ako  ay isang malaking kalokohan
Aking pinapangako, walang luhang papatak
Ang iyong kasiyahan lamang, ang nais ng aking utak

Kung bigla mong maisipang bumalik sa nakaraan
Na walang mamamagitan, liban sa pagkakaibigan
Hindi ako manghihinayang, bagkus ako ay ngingiti
Para sa sarili, itatago sa puso lahat ng pagdadalamhati

Mga Tulang  Walang PatutunguhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon