hiatus//2

23 2 0
                                    

DAY2//022018

Pangalawang araw ng aking pananahimik
Unang araw rin naman ng pagbabalik
Ng aking kinatatakutang maganap
Ngayo'y nagsisimula na sa aking harap

Lahat nga pala ng aking mga aksyon
Ay may katapat na epektong naaayon
Sa kung anong tama't mali
Kaya't ang pagsisisi'y talagang nasa huli

Sana hindi na matuloy
At maayos ang lahat ng aking tinutukoy
Na takot, problema't pangamba
Mahal ko sila, na parang tunay na pamilya

Gusto ko ring mapakita
Sa aking mga guro na mali sila:
Hindi ako nagkamali sa pagkakakilala
Hindi ako sumobra sa pagiging pasensyosa
Hindi ako naging bulag sa tunay na pangyayari
Hindi rin ako nagpabaya upang masira ang aming puri

Itong akademikong taon ang simula ng katapusan
Nga pagiging matatakutin ko't pagatakas sa kasalanan
Sa pang-iiwan sa pagtatanggol ng aking kamag-aral
Dahil ako'y isang kaibigan, at hindi lamang presendenteng hinalal

-----

short//

Bakit nga ba ang manok ay may breast part
Kung sila nama'y nangingitlog, sabi sa chart
Na itinuro sa aking noong ika-anim na baitang
Ang hayop na ipinapanganak, dumedede sa sa magulang

Simpleng mga bagay, naaatim ko pang pag-isipan
At pagtawanan ang mga bagay na walang katuturan
Ngunit mas mabuti nang tumawa nang walang kwenta,
Kaysa maghabol ng mga gawain dahil sa pagliban sa eskwela

Kahit nakakapagod maghanap ng mga dahilan para ngumiti
Ang mahalaga'y alam mong palagi
Hindi pa dito nagtatapos and lahat
Hindi ka pwedeng tumigil sa pagbuhat
At paglalakad sa mundong lahat say salat.

Mga Tulang  Walang PatutunguhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon