Ako'y sumusulat
Para sa mga hindi pinalad.
Para sa mga mabilis nagpatawad,
At nalokong muli, sa dahilang katulad.
Para sa mga naghahanap pa ng dahilan,
At hindi pa rin alam kung saan sisimulan,
Ang pagkukwento sa salaysay na walang sinuman,
Walang sinuman ang makakaintindi.
Para sa mga taong hindi pinili,
Sa mga taong lagi na lang second priority.
Para sa inyong mga lagi na lang sinisisisi,
Akala yata nila nasa inyo ang lahat ng susi.
Para sa mga taong bingi,
O nagbibingi-bingihan sa katotohanang mapait.
Para sa mga taong hindi na nakakaramdam ng sakit,
Dahil sanay na silang masaktan.
Para sa mga taong ninakawan,
At pinagtaksilan sa kanilang likuran.
Kayong mga martir na sanay magpatapak,
Kailan ba kayo magkakaroon ng pakpak?
Lagi na lang kayong naiiwang wasak
Bagsak
Biyak
Umiiyak,
Kailan ba kayo matututong sundin naman ang inyong utak?
Ako man ay isa sa inyo,
Sa inyong mga iniwan, tinalikuran, at niloko
Dahil ang kapalaran ay mapaglaro,
Tila nakisali sa birong ako ang puncline
Sinubukan ko rin naman maging matibay
Kumapit sa sangay
Dahil lamang sa nais ng aking puso na hindi ko masuway
At tila inilibing ko ang aking sarili sa butas na ako rin ang naghukay
Kaya, ngayon ako'y natututo na
Huwag mag tiwala sa taong paibaiba ang kulay
Ang taong hindi darating ay hindi na dapat hinihintay
Huwag magpatapak at maging tulay
Dahil sa huli, alam mo namang ikaw rin ay bibigay
Huwag kang umaray
Sa mga pagkakataong hindi ka lang sinusugatan, kundi ika'y pinapatay
Buhatin mo ang iyong sarili
Huwag magmumok at pumirmi
Mahalin mo ang iyong sarili
Ngunit hindi ko sinasabi
Na huwag magtiwala at magmahal magmuli
Dapatwat, piliin mo lamang ang iyong sarili
Dahil hindi mo kailanman maibibigay
Ang bagay na ikaw mismo ay hindi nagtataglay.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Patutunguhan
ПоэзияIto ay isang koleksyon ng mga tulang aking nilikha para sa aking sarili o di kaya'y para sa iba.