DAY1//021918
Kay tagal kong pinag-iisipan
Ang kawalan, kay tagal ko na ring minamasdan
Napakaraming tanong na naglalaro sa isip
Ngunit isa lang ang malinaw na sagot; hindi na ito panaginip
Tunay na naging nakakatawa't nakakabwisit man din
Di ko sukat akalain na hanggang dito'y makararating
Ang problemang akala ko'y isang malaking kalokohan
Ngayo'y napakalala't di ko na magawan ng paraan
Pero ngayon ko lang din natutunan at hindi mali
Na ang magulang, pwede ring maging makasarili
Na masakit palang umiyak para baguhin ang kanilang batas
Lalo na para sa taong di mo naman talaga kilala ng mahabang oras
Kaya ngayo'y ako'y sumusulat
Sa klaseng ang guro'y tila nagugulat
Kung bakit raw lahat kami'y pagod at nanghihina
Natatawa na lang kami't umiiling-iling dahil ang dahila'y siya
//extended 8:07 pm//
Ang pagkakaibiga'y wala sa haba ng oras
Sa kasarian, sa estado ng buhay, o pagkahilig sa patatas
Gayumpaman, ipagpaumanhin mo na ang masalimuot kong pagkatao
At nadawit ka sa gulo ng aking maliit at magulong mundo
-----------------
Ako noo'y nangako sa aking sarili:
Araw-araw ay gagagawa ng tulang maiikli;
Itutuloy ang pagsusulat sa mga kwentong paulit ulit kong di masimulan;
Mag-ensayo ng pagguhit sa aking mga munting paraan;
Ilibre ang sarili tuwing lunes, miyerkules at biyernes, ngunit mag-impok din;
Tuwing martes at huwebes, pumunta sa pader na may umaagos tubig ay huwag kalimutin;
Kausapin ang aking matagal kong matalik na kaibigan,
Sabi nila, akala niya'y ako'y nagtatampo, ako sana'y pagpasensiyahan;
Na kompletuhin ang aking mga sulatin sa kwaderno,
Magbasa ng dalawang libro,
Mag-aral ng mas maaga;
Manood muli ng anime at magbasa ng mga manga. owo
Higit sa lahat,
Matutong magtiwala, kahit sila'y salat
Sa pakikinig sa aking mga paliwanag.
Sa loob ng isang lingo, ako'y nagpapagpag
At umaasa na maayos muli ang aking sarili
At ang takbo ng mga pangyayari
------------------

BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Patutunguhan
PoetryIto ay isang koleksyon ng mga tulang aking nilikha para sa aking sarili o di kaya'y para sa iba.