Chapter 11

11.6K 261 24
                                    

HINDI PA man tuluyang lumalapag ang chopper ay kaagad ng tumalon si Keith. Nakasunod sa kanya si Cole.

Mariin niyang naikuyom ang palad ng makita ang nakahandusay na katawan ng ilan sa mga tauhan niya sa damuhan. There were blood everywhere.

Halos takbuhin niya ang pag-akyat sa hagdan. Pakiramdam niya ay tumigil sa tibok ang puso niya ng makitang nakahandusay sa sahig si Carla. Halos kaladkarin niya ang mga paa palapit dito. Napaluhod siya sa gilid nito.

She was so pale. Puno din ng dugo ang damit nito. Nang mahimasmasan ay dinaluhan kaagad niya ito.

"Oh, God, Angel." Sa nanginginig na mga kamay ay hinaplos niya ang pisngi nito. Gusto niyang sumigaw ng maramdaman ang lamig ng pisngi nito. "Please, Angel, wake up," pagsusumamo niya. Nagsisimula ng manlabo ang paningin niya sa luha. Seeing her in this state breaks his heart. He never felt this helpless and worthless.

He lifted her upper body and hugged her tight. Wala siyang pakialam kung malagyan man ng dugo ang damit niya. Matalim niyang tiningnan si Cole ng hawakan nito ang kamay ni Carla.

"Get your hands off her," he said in a cold flat voice that can freeze hell. No one is allowed to touch his Angel aside from him.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Cole. "Boss, buhay pa siya. Mahina lang ang pulso niya pero ang mahalaga buhay pa din siya. Kailangan na natin siyang madala sa ospital dahil marami na ang dugong nawala sa kanya."

Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Cole. Kaagad niyang dinala ang dalawang daliri sa may leeg ni Carla. He planted a soft kiss on her forehead when he felt her weak pulse under his fingers. Tama nga si Cole, buhay pa si Carla. Tuluyan na niya itong binuhat at dinala palabas. Sinalubong sila ng medics na nakalulan sa isa pang chopper. Tumanggi siyang ibigay sa mga ito si Carla. Dineretso niya ito sa naghihintay na chopper.

"Ikaw na ang bahala sa kanila, Cole," utos niya ito bago sumakay sa chopper. Hindi niya binibitawan ang kamay ni Carla habang binibigyan ito ng first aid.

"Hindi ko hahayaang may mangyari sa inyo ng anak ko," buong niya dito. Hinalikan niya ito sa noo.



"IKINALULUNGKOT KONG sabihin na dahil sa dami ng dugo na nawala kay Miss Madrigal ay comatose siya ngayon."

Pinitetsarahan ni Keith ang doktor. Nakita niya ang takot sa mata nito habang nakatingin sa kanya. "Doktor ka di ba? Hindi ba kaya ka binabayaran ay para manggamot? Bakit hindi mo siya mapagaling?"

"I'm very sorry, Mr. dela Vega.Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan siya mananatiling comatose. Maaaring aabutin ng oras, araw, mga linggo, buwan o taon."

Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa harapan ng damit nito. "Wala akong pakialam kung magkano ang aabutin, I can even buy this damn hospital. Just save her."

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, Mr. dela Vega. Pero sa ngayon, wala tayong ibang magagawa kundi ang maghintay."

"Siguraduhin mo na magigising siya, dahil kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko, I'm going to kill you."

Nagmamadali itong nagpaalam nang pakawalan niya. Naglakad siya paalis sa lugar na iyon. Ayaw man niya itong iwanan ay kailangan niyang lumayo pansamantala. Halos gumuho ang mundo niya ng inakala niyang nawala na ito sa kanya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama dito.

Nakita na lang ni Keith ang sarili na nakaupo sa pew sa chapel sa loob ng ospital kung saan nila dinala si Carla. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nagpunta sa simbahan o nagdasal man lang. Pero sa mga oras na iyon at taimtim siyang nagdasal.

Keith, The Heart Thief (Published under Precious Hearts Romances) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon