Chapter 7

8.4K 183 16
                                    


ILANG SANDALI pang pinagmasdan ni Keith si Carla habang payapa itong natutulog. Ayaw man niya itong iwan ay may kailangan siyang asikasuhin. Ganoon na lang ang takot niya ng makatanggap ng tawag mula kay Cole na may nagtangka sa buhay ni Carla.

Masuyo niya itong hinalikan sa noo bago lumabas ng kuwarto. Binalingan niya si Benedict na siyang pansamantalang pumalit kay Cole bilang kanang kamay niya habang nagpapagaling ang huli sa ospital.

Simula ng pagtangkaan ang buhay ni Carla noong nakaraang gabi ay mas dinoble pa niya ang seguridad sa buong gusali. Hindi niya gustong maulit ang nangyari kay Carla lalo na sa poder niya

Isang folder ang inabot sa kanya ni Benedict habang nasa biyahe sila. Pinasadahan niya ng tingin ang mga impormasyong nakalap ng mga tauhan niya sa taong nanakit kay Carla. Mahigpit niyang naikuyom ang palad na may hawak na litrato ng lalaki.

Kaagad siyang bumaba ng makarating sila sa Warehouse. Pag-aari ng Black Lotus ang lugar na iyon kung saan ginagawa ang mga underground drag racing at grappling matches. Lingid sa kaalaman ng iba, doon din dinadala ang mga taong dumadaan sa interogasyon nila.

Pumasok sila sa isang silid kung nasaan ang subject nila. Nakatali ang nakataas na kamay nito sa isang hook na nakasabit sa may kisame. Puno ng pasa ang mukha at katawan nito. Yumukod ang ilan sa mga tauhan niya ng makita siya. Nanatili siyang nakatingin sa lalaking nasa gitna ng silid. Natuon din ang mata nito sa kanya.

Nilapitan niya ito. "Gusto kong malaman kung sino ang nag-utos sa iyo na saktan si Miss Madrigal?" tanong niya dito.

"Kahit patayin ninyo ako wala kayong makukuhang impormasyon sa akin."

Isang suntok ang pinakawalan niya. Bahagya itong napaatras sa impact ng suntok niya. Kaagad itong itinayo ng isang tauhan niya. He yanked his hair backwards. Hindi na nito maibukas ang kaliwang mata habang ang kabilang mata ay halos kalahati na lang ang bukas. Umaagos na din ang dugo sa ilong nito at sa pang parte ng katawan nito.

"Ayaw kong sinasayang ang oras ko. Huwag mong hintaying maubos ang pasensiya ko, kaya sabihin mo na kung sino ang nag-utos sa iyo."

Nang hindi ito sumagot ay sinenyasan niya si Benedict na nakatayo sa likuran nito. Umalingawngaw ang sigaw nito ng tumama sa likuran ng hita nito ang hawak nitong baseball bat. Nainis siya nang hindi pa din ito magsalita.

Itinaas niya ang kamay para patigilin si Benedict. "Ang balita ko may kapatid kang babae?"

"Huwag ninyong gagalawin ang kapatid ko! Wala siyang kinalaman dito!" nagpipilit itong kumawala mula sa pagkakatali nito.

"Why don't we make a deal? Kapag sinabi mo sa akin kung sino ang nag-utos na patayin si Miss Madrigal, palalayain kita, bibigyan kita ng sapat na pera para makapagbagong buhay kasama ng kapatid mo." Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito. "May isang salita ako kaya makakaasa ka na tutuparin ko ang pangako ko. Ano sa tingin mo?"

"Si Keiran dela Vega ang nag-utos sa akin," sumusukong sabi nito.

Natigilan siya at hindi makapaniwalang tumingin dito. Natahimik ang halos lahat ng tao sa loob ng silid. Sa isang iglap ay nilapitan niya ito at mahigpit na hinawakan sa leeg. "Ulitin mo ang sinabi mo," mariing utos niya dito.

"S-si Keiran dela Vega ang nag-utos sa akin na patayin si Miss Madrigal."

Sunod-sunod ang naging pag-ubo nito nang bitawan niya. He looked at the guy with cold dangerous eyes. "Siguraduhin mo lang na totoo ang sinasabi mo, dahil isa sa ayaw ko ay ang nagsisinungaling."

Keith, The Heart Thief (Published under Precious Hearts Romances) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon