Chapter 6

8K 204 2
                                    


PINIPILIT KALMAHIN ni Carla ang sarili habang naglalakad papunta ng opisina ng ama ni Keith na si Keiran dela Vega. Hindi niya inaasahan na tatawagan siya nito noong nakaraang gabi para sabihing gusto siya nitong makausap.

Napahigpit ang hawak niya sa dalang clutch bag. Anong uri ng tao ang ama ni Keith? Hindi niya sinabi kay Keith ang pagtawag ng ama nito dahil ayaw niya itong mag-alala.
Tatlong beses kumatok ang babae sa pinto bago iyon tuluyang buksan. Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang pumasok. Dalawang lalaki ang naabutan niya sa loob. Ang isang lalaking nakaitim na amerikana ay nakatayo sa may 'di kalayuan. Nakaupo naman si Keiran dela Vega sa executive chair nito. Pamilyar sa kanya ang mukha nito dahil kahawig ito ni Keith. The man is intimidating and exuded power.

Ganoon na lang ang ginawa niyang pagpipigil para hindi tumakbo palabas. Napapitlag siya nang marinig ang pagsara ng pintuan sa likuran niya.

He was looking at her intently, like a predator watching every movement of its prey. Gustuhin man niya ay hindi niya magawang alisin ang tingin dito. Alam na niya kung kanino nakuha ni Keith ang features nito. Kamukha nito ang ama.

"Have a seat, Miss Madrigal," Keiran dela Vega motioned the couch at the middle of the room.

Lihim niyang ipinagpasalamat ang pagkakaupo. Hindi kasi siya sigurado kung makakaya pa niyang tumayo dahil nanlalambot ang tuhod niya sa sobrang kaba. Pumuwesto ito sa tapat niya.

Matiim siya nitong tiningnan. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob na salubungin ang tingin nito. Hindi nito dapat mahalata na nanginginig ang tuhod niya sa sobrang kaba habang kaharap ito. Ngayon alam na niya kung kanino nagmana si Keith lalo na ang mata nito. Keith and his father may have the same dark piercing eyes but there is something in their eyes that makes them different from each other.

Mahina siyang nagpakawala ng malalim na hininga ng makarinig ng sunod-sunod na katok. Pumasok ulit ang sekretarya nito dala ang dalawang tasa ng kape.

Kahit paano ay kumalma siya ng maamoy ang aroma ng kape.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," basag ni Keiran dela Vega sa katahimikan. "Ipinatawag kita ngayon dito dahil nabanggit ni Eliza sa akin ang tungkol sa inyo ni Keith." Hindi niya magawang makasagot dito. "You see, Miss Madrigal, malapit ng ikasal ang dalawang iyon at hindi ko hahayaang ang isang tulad mo ang sisira sa relasyon nilang dalawa. Magkano ang kailangan mo para layuan ang anak bko?" May isang piraso ng papel na ibinigay dito ang lalaking nasa likuran nito. Para siyang itinulos sa kinauupuan nang makita ang halagang nakasulat sa cheke. Hindi niya mapigilang mapangiti ng maalala ang una nilang pagkikita ni Keith. Mukhang inakala nitong nasilaw siya sa perang ibinibigay nito kaya siya napangiti.

He smiled victoriously. "I knew Keith needs someone to play with. Siguro naman sapat na ang perang iyan para makapagsimula kayo ng pamilya mo. You don't know my son that much, Miss Madrigal. He is cold and ruthless. Magsasawa siya sa iyo at iiwan ka din niya kaya mas makabubuting iwanan mo na siya bago ka pa niya unahan. And that money is to compensate the damage my son did."

Sa nanginginig na kamay ay kinuha niya ang tseke at pinunit iyon sa dalawa. Ibinalik niya iyon sa harap nito. Nawala ang ngiti nito at naging mapanganib ang tingin nito. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang ginawa niya.

Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. "Hindi ganoong uri ng tao si Keith, Mr. dela Vega. Hindi siya tulad ng iniisip mo." Nagulat siya sa sarili dahil nakaya niya itong sagutin.

"Is five hundred thousand not enough?" Muli itong nagsulat sa check book na hawak. "Then name your price."

"Huwag na kayong mag-abala, Mr. dela Vega, dahil hindi ako tatanggap ng pera na galing sa iyo. Hindi ako aalis sa tabi ni Keith hangga't hindi siya ang mismong nagsasabi sa akin na hindi na niya ako kailangan."

Keith, The Heart Thief (Published under Precious Hearts Romances) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon