nakakainis...!

13 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw at buwan,.mejo nakapagcope up na din ako sa environment dito at

marami-rami na rin akong kaibigan.

Noong high school at elementary palang malapit na talaga ako sa mga lalaki kong classmate,

hindi naman sa flirt ako pero talagang mas close ko sila hindi kasi sila maarte at plastic di gaya ng

ilan sa mga babae. Un pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat plastic! 

Pero karamihan sa mga kaibigan ko tuwang tuwa akong asarin, ewan ko kung bakit siguro nga

dahil madali akong mapikon.

So ganun nga, may isa akong high school classmate na AMAT din at super classmates pa kami,

pati magkatabi kami sa Math 17 lecture kaya ayan ang makulit na Jerome na un palagi lang akong

dinadaldal at kinukulit paglecture class, sinamahan pa ng dalwang asungot sa likuran namin.

Habang tumatagal mas lumalala ang pang-aasar nila sa akin pati ung dalwang asungot

dumagdag narn, blocmate rin namin yung isa at ung isa ay ang crush pala ni Iris, si Nathan. 

Isang araw...

Merwin: Kaitlyn kaitlyn pahiram ng ballpen...

me: hay naku naman pumapasok walang ballpen.. (mejo mataray ako sa knya hmmm palagi nya

kasi ako niloloko at inaasar eh..kinuha ko na ung ballpen ko sa orange  pencil case ko at iniabot sa

kanya)

me: you're welcome!!!

merwin: ay thank you pala hahaha

...........

tapos sa mga sumunod na araw hiram na sya ng hiram ng ballpen sa  akin hanggang isang araw

pati na rin si Nathan na mukang mayaman naman at can afford ay humiram na rin ng ballpen sa

akin.. 

merwin: kaitlyn kailyn pahiram daw si nathan ng ballpen

agad abot naman ako ng extra ballpen ko kasi naglelecture noon ang prof namin na si Ma'am

Silang, at ayaw kong mapagalitan noh.

after ng class hiningi ko na kay nathan ang ballpen ko, aba dapat lang ballpen ko un eh.

Nathan: alam mo, para kayong assymptote ng ballpen mo, you will meet but you will never intersect

(sa loob loob ko, ang korni naman pala ng taong to, masyadong madrama pero infairness natawa

ako dun haha madali lang kasi talaga akong matawa)

me: akin n ung ballpen ko pls

(tapos uulitin n naman ung kakornihan nya kanina hanggang sa sumuko nlng ako)

tinanong nya si merwin kung ano ang pangalan ko. aba'y hindi parin pala ako kilala nito, eh

magtatapos na ang sem eh sabagay di rin nama kami close eh di ko sya masyado iniintindi kahit

na classmates kami everyday.

nathan: ki,,,kaitlyn? kaithlyn?

napangiti nlang akoo at tuluyang inaya si Iris para bumalik na sa dorm...

mga 4 in the afternoon nun, nagmeet na naman kami sa may Palma Bridge, di ko napansin dati na

palagi kaming nagmemeet sa ganitong mga oras sa Bridge na 'to or di naman kaya sa Freedom

Park pero hindi ko sya pinapansin di rin naman kami magkakilala eh ngayon lang naging ganito

noong makita ko sya agad kung hiningi ung ballpen ko...

me: ung ballpen ko.?

sabay abot ng kamay ko sa kanya na parang nagmamalimos.. hindi sya namansin may kasama

kasi syang girl na classmate din namin..kaya't dumiretso nalang ako.. pero maya maya tinawag

tawag nya ako dun sa may bridge

nathan: kaithlyn..kaithlyn..kaithlyn!!!!

hindi ko sya nilingun..well may medyo mmaldita din ako minsan eh..dumiretso nalang ako sa dorm

at nagpahinga.

simula noon araw araw ko na syang kinukulit na ibalik sa akin ang ballpen ko at araw araw nya ring

hindi sinusuli ito... simula din noon pag nakikita kami palaging ang sinasabi nya ay .. kaitlyn kaitlyn

pahiram ng ballpen..tapos sabay ngisi 

napagod na din ako nang kakahinging ibalik sa akin ang ballpen ko kayat't tinigilan ko na rin ang

pangungulit sa kanya na ibalik ito.

isang araw nagulat nalang ako dahil bigla nya ako tinawag at binalik agad ang ballpen ko, pero

nawala ang ngiti sa labi ko nung makita kong wala na pala itong laman, ubos na ang tinta nito. ang

baliw na to, binalik mo pa kung wala na rin lng itong tinta, itong mokong na 'to ang galing galing

talagang manghiram.(nang-iinis ba talaga sya?)

simula nun parang ayoko na magpahiram sa kanila pero syempre nakokonsyensya parin ako kasi

baka nga naman wala silang ballpen nakakaawa naman. minsan nararamdaman ko na kahit may

ballpen naman sila nanghihiram parin sila, lalo na si nathan.

==========================================================================================================================================================

>>>>>>>woah!!! nakakainis ano? bakit kaya ganun c nathan kay kaithlyn??? hmm<<<<<<<<<<

anong masasabi nyo sa chapter na to..pls comment, vote and like...

Heart's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon