ALAS KWATRO na ng umaga ngunit hindi pa rin siya makatulog. Hindi pa rin kasi bumabalik si Pierre. Labis na siyang nag-aalala dahil ito ang unang pagkakataon na umalis ito ng bahay at hindi umuuwi dahil nag-away sila.
Nasaan na kaya ito ngayon? Gusto sana niyang tawagan ang mga kaibigan nito upang magtanong ngunit ayaw naman niyang makaistorbo. Isa pa ay baka magtanong ang mga ito kung bakit sila nag-away ni Pierre. Never pa kasing nangyari ang tulad nito. Kung maaari ay gusto niyang ayusin nilang dalawa ni Pierre ang problema nang sila lang.
She looked at the call log of her cellphone. Naka-tatlumpo mahigit na siyang tawag kay Pierre ngunit hindi naman nito sinasagot ang tawag niya.
Paano kaya kung may nangyari na dito? Hindi niya mapapatawad ang sarili. Iwinaksi niya ang masamang ideyang iyon at muling sinubukang tawagan si Pierre. Nagri-ring naman ang cellphone nito ngunit wala pa ring sumasagot.
Ida-dial na niya sana ang numero ni Top nang may humintong kotse sa harap ng bahay nila. Mabilis niyang sinilip kung sino iyon mula sa bintana. Laking tuwa niya nang makitang lumabas mula roon si Top at Mikael. Akay-akay ng mga ito si Pierre. Mabilis niyang tinakbo ang gate ng bahay at binuksan iyon.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong niya sa mga kaibigan habang iniakay ng mga ito si Pierre papasok ng gate.
"Naparami lang ang inom, Raven." Sagot ni JJ na nasa driver's seat ng kotse.
"Just let him sleep and he'll be fine." Sabi naman ni Hyun na nakaupo sa front seat.
Nagpasalamat lang siya sa mga ito at agad sinundan sina Top at Mikael na ipinapasok si Pierre sa loob ng bahay. Ilang sandali pa ay nakahiga na ang lasing sa kama nito.
It would be stupid to ask the two men what happened to Pierre. Alam naman na niya kung bakit ito naglasing.
Inaway mo kasi.
"Ikaw na ang bahala sa kanya, Raven." Si Mikael iyon na bahagya pang tinapik ang balikat niya.
"Salamat sa inyo. I'll take it from here." Sagot niya rito habang nakatitig pa rin sa tila natutulog nang si Pierre.
"We know our way out. Siya na lang ang asikasuhin mo." Ayon naman kay Top.
Ilang sandali pa lang ay naiwan na lamang silang dalawa ni Pierre. Kukumutan na sana niya ito nang mapatigil siya sa tindi ng amoy ng alak mula rito. Ang totoo ay hindi siya sanay na siya ang mag-aasikaso nang ganoon kay Pierre. He was never that drunk before.
Napaisip tuloy siya kung anong hirap ang dinadaanan ni Pierre tuwing nalalasing siya. Bukod pa ito sa pagiging warfreak niya kapag nasa impluwensya na ng alak.
"Now it's your time to give back, Raven." Sabi niya sa sarili. Agad siyang kumuha ng bimpo at naglagay ng maligamgam na tubig sa isang maliit na palanggana.
Nilapag niya sa katabing nightstand ang mga dala sinimulan nang alisin ang damit ni Pierre. Bahagya siyang nahirapan dahil sa lalim ng tulog nito. And when she finally freed him of his shirt, she couldn't help but gasp at the view.
Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang walang damit pang-itaas si Pierre. Pero bakit tila umiinit ang kanyang pisngi habang pinagmamasdan ito. Gwapo si Pierre, aminado siya roon. Pero tila iba ang dating nito ngayon. Him sleeping naked in front of her made her heart beat faster. Para ba nais niyang lakbayin ang matipuno nitong dibdib gamit ang kanyang mga daliri. There was a certain degree of urge within her wanting to caress Pierre's face and touch those beautiful lips.
What the hell, Raven! Si Pierre 'yan! Ano bang pinag-iisip mo?!
Huminga siya nang malalim at iwinaksi ang mahalay na ideya sa kanyang isipan. Agad din niyang inabot ang hinandang bimpo at binasa iyon ng maligamgam na tubig.
Sinubukan niyang idampi iyon sa noo ni Pierre, pagkatapos ay sa pisngi nito. At habang ginagawa iyon ay di pa rin niya mapigilang titigan ang mga labi ni Pierre. Tila ba tinatawag siya noon.
Using her free hand she reached for Pierre's face and touched his cheek. Nilakbay niya ang mga daliri papunta sa mata nito, tungki ng ilong, hanggang sa nakakaenganyo nitong mga labi. Her thumb instantly had the luxury the feeling those lips.
Kiss him. Out of nowhere her mind spoke. Just a little kiss. He will never know. Go on, Raven. Kiss him.
She was at the verge of following that voice when she got a hold of herself. Agad niyang ipinikit ang kanyang mga mata it mabilis na umiling.
"No. No. What the fuck are you trying to do, Raven? Sira ka ba?!" Muli niyang pinaalala na si Pierre ang lalaki na nasa harap niya. Hindi ito kung sinong gwapo at matikas na lalaki. Si Pierre iyon. Ang guy bestfriend niya. What the fuck was she thinking!
Nang kumalma na ang kanyang puso ay sinubukan na niyang buksan ang kanyang mga mata. Pero...
Gising na pala si Pierre at nakatitig ito sa kanya! His eyes never left hers. They were full of desire. At natatakot siya sa sarili dahil gusto niya ang uri ng pagtitig nito sa kanya.
Fuck, Raven! Stop it! Sigaw ng utak niya. Buong lakas niyang sinunod ang munting tinig na iyon dahil alam niyang iyon ang tama. Kailangan niyang pigilan ang kung anumang kabaliwang naiisip niya.
How can she love the idea of Pierre looking at her like she's the most beautiful girl in this world? It's insane!
Magsasalita na sana siya nang bigla nitong hawakan ang pisngi niya.
"Wow. You seem so real." Tila di makapaniwala na sabi ni Pierre.
"O-of course, I'm real. And I'm just giving you a favor. Tutal ako naman ang lagi mong inaasikaso dati 'pag nalalasing ako."
"Wow. You also talk." Bahagya itong tumawa at ipinikit ang mga mata. "Nananaginip yata ako."
"Lasing ka, Pierre. Dapat matulog ka na."
Muling binuksan ni Pierre ang mga mata nito at tinitigan siya. "Wow. Ang ganda mo talaga sa malapitan. Bakit ba ang ganda-ganda mo, Raven?"
It would have been so much better if Pierre is not drunk while saying those things. Pero ano bang aasahan niya sa isang lasing? Lahat ng mga sasabihin nito ay kalokohan lang.
"Tama na, Pierre. Lasing ka lang. Mabuti pa itulog mo na 'yan."
Pierre chuckled. "Pati sa panaginip, tinatarayan mo pa rin ako. Ito na nga lang ang lugar kung saan kita pwedeng hawakan," muli nitong hinaplos ang kanyang pisngi. "Ito na nga lang ang pagkakataon na pwede kang maging akin."
Parang may sumuntok sa dibdib niya nang marinig ang huling mga sinabi ni Pierre. Hindi na niya kaya ang mga pinagsasasabi nito. Hindi naman sa hindi niya iyon gusto. Sadya lang nakakapanibago. Nakakasorpresa. Kahit pa sabihing dala lang iyon ng kalasingan ni Pierre. A part of her suddenly wished that he was sober when he said those things to her.
Inalis niya ang kamay ni Pierre na nakahawak sa kanyang pisngi. Hindi na niya kaya pang pakinggan ang mga sinasabi ng lalaki. Sa umaga na niya na lang ito kakausapin kapag nasa huwisyo na ito.
"Matulog ka na Pierre. Kung ano na ang pinagsasasabi mo."
Tatayo na sana siya nang biglang bumangon si Pierre at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. At sa isang iglap sinakop na nito ang mga labi niya.

BINABASA MO ANG
SWEET INTOXICATION: Falling in Love with the Drunken Master
Romance"So many women to fall in love with...but they're not you." Nang magpakasal ang kuya ni Raven sa girlfriend nito, hindi niya inakalang kasama pala sa package ng kasal na tumira rin sa bahay nila ang kapatid na lalaki ng bride na si Pierre. And s...