Part 1

5.5K 143 1
                                    

PAKIRAMDAM ni Raven ay may isang bloke ng semento ang nakadagan sa kanyang ulo. Gustuhin man niyang bumangon at kumuha ng isang baso ng malamig na tubig ay di rin niya magawa. Napakabigat ng kanyang katawan na mas nanaisin pa niyang matulog muli. Pero paano siya makakatulog ganoong unti-unti nang pumapasok ang liwanag ng araw sa kanyang silid?

Lecheng hangover. Kung tao lang ito ay malamang nabigyan na niya ng matinding sipa.

Ilang sandali pa ay narinig niyang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.

"Thank God, Manang Lorna. You're my angel." Kahit nakapikit ang kanyang mga mata ay alam niya kung sino ang pumasok. Ang kasambahay iyon na si Manang Lorna. "Tubig please. Isang baso ng malamig na malamig na tubig. Please, Manang Lorna."

Naghintay siya ng ilang saglit pero hindi iyon sumagot. Magsasalita na sana siya nang biglang lumiwanag ang paligid.

"Ahhhh! Manang Lorna, mamatay ako sa sinag araw! Huwag mong buksan ang kurtina!" Kapag ganoong may hangover siya ay napakasensitibo niya sa liwanag. Mas lalong sumasakit ang ulo niya.

Kasagsagan pa naman ng summer ngayon dahil April. Napakalakas ng sinag ng araw. Para siyang sinisilaban.

"Hindi ka si Batman na nagtatago sa kweba kaya bumangon ka riyan."

Yeah right. It's not Manang Lorna. Hindi siya pinagsasalitaan ng ganoon ng matanda. Walang nagsasalita sa kanya nang ganoon maliban na lamang sa isa. At iyong taong 'yon lamang ang may ganoon ka prangkang bibig na alam niya.

How can this man be so insensitive? Alam naman nito na allergic siya sa liwanag ganoong may hangover siya. "Pierre Jean Sullivan. Utang na loob isara mo ang mga kurtina ng kwarto ko!"

Labing-isang taon na mula noong magkakilala sila ni Pierre sa wedding ng mga kapatid nila. Ang Kuya Francis niya kasi ay pinakasalan ang nakakatandang kapatid ni Pierre na si Ate Charie. Kaya naman naging malapit sila sa isa't isa. Masasabi niyang si Pierre ang isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan. At dahil na rin ganoon sila kalapit ay wala itong kasing pranka lalo na't kapag sinasabi nito ang mga flaws niya. Tulad na lang ngayon.

Nagulat siya nang biglang inalis ni Pierre ang kumot na nakatakip sa kanyang mukha. "Excuse me, Raven Punzalan. Hindi mo ito kwarto kaya tumayo ka na riyan."

Agad siyang napamulat at kahit masakit sa mata ay iginiya niya ang tingin sa kabuuan ng silid. Bukod sa puting malapad na kamang hinihigaan niya, isang itim na coffee table at malawak na bookshelf ay wala na halos iba pang laman ang kwartong iyon.

Tama nga. It wasn't her room. Ang black and white themed minimalistic room na iyon ay malayong-malayo sa mala-bodega niyang kwarto. Hindi pa nangyaring ganoong kalinis ang kwarto niya. Kwarto iyon ni Pierre.

Iminudmod niya ang mukha sa puting unan na kinahihigaan niya. "Please, Pierre. Hayaan mo muna akong matulog kahit ilang oras man lang."

Magdadalawang linggo na siyang nakikitira sa bahay na iyon ni Pierre habang naghahanap ng malilipatang apartment. Mas malapit kasi ang bahay ng kaibigan sa bagong gym kung saan nag-eensayo ang national team ng taekwondo. Magiging araw-araw na kasi ang training niya ngayong nalalapit na ang Olympics.

"Get out of my room or I'll drag you out," banta pa nito.

Pero hindi siya nasindak. "Let me sleep more."

"Don't make me call Tito Ronnie at isumbong ka."

Napabalikwas siya sa narinig. Alam na alam talaga nito ang weakness niya. She instantly flashed him her sweetest smile. "Ikaw naman! Hindi ka na mabiro. Eto na oh. Tatayo na po!"

SWEET INTOXICATION: Falling in Love with the Drunken MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon