Part 2

3.8K 116 1
                                    

"TAMA na Raven! Hindi ako punch bag!" Paghuhumiyaw ni Martin. Isa sa kasamahan niyang miyembro din ng Taekwondo National Team. Kung tutuusin ay mas malaki ito sa kanya dahil nasa male welterweight division ito at siya naman ay nasa female featherweight division. Pero wala siyang pakialam. Kailangan nitong managot sa pang-iindian sa kanya ng pinsan nito.

"Sana iba na lang ang pinakilala mo sa akin. Hindi iyong tulad ng pinsan mong paasa."

Binigyan muli ito ng iba't ibang kombinasyon ng atake. Hindi ito halos magkamayaw sa pagdedepensa.

"Eh malay ko ba kung bakit ka di sinipot ni Leo. Di ko na kasalanan iyon. Kaya ka hindi nakakahanap ng boyfriend eh! Isa kang maton!"

Natigil siya sa pag-atake kay Martin. Naningkit ang mga niya habang tinitigan ito.

"Hindi ako maton. I'm a charming lady inside and out."

"Charming ba 'yan? Baka naman tinakot mo ang pinsan ko kaya hindi sumipot."

"Hindi nga sabi eh!" Akmang tatalon na siya upang bigyan ito ng isang malakas na sipa nang biglang may sumigaw ng kanyang pangalan. Paglingon niya ay ang head coach pala nila iyong si Sir Paul. Agad siyang napatigil sa pagulpi kay Martin at bahagyang yumuko upang magbigay galang.

Noong magsimula na siyang maglaro bilang isang professional taekwondo player ay ang lampas saisenta anyos na coach na niyang si Sir Paul ang humawak sa kanya. Disiotso siya noon nang unang sumabak at nanalo sa Asian Championships sa ilalim ng coach. Hanggang ngayong 27 na siya at nagkaroon na ng pitong gold medals sa iba't ibang kompetisyon ay ito dito pa rin niya pinagkakatiwala ang career.

"Good morning, Sir Paul. Ang aga niyo yata." Bati niya sa coach.

"At ang kulit mo pa rin. I'll guess. Binasted ka na naman?" May bahid ng ngiti sa mga labi ng kanyang mentor. Parang basang-basa kasi na siya nito.

Humaba ang nguso niya sa kantiyaw sa kanya ng kanyang coach. "Hindi po ah! Hindi niya ako binasted. Binasted ko siya."

"Hindi kaya, Coach. Kaya niya ako binubugbog dahil kasalanan ko raw na inindiyan siya ng pinsan ko. Eh tingnan niyo naman po kung gaano ka-maton ang babaeng ito. Kahit sinong lalaki ay matatakot." Sabi naman ni Martin.

Akmang susuntukin niya sana ito nang agad itong nagtago sa likod ng kanyang coach. Wala tuloy siyang magawa kung hindi ay pigilan na lang ang sarili.

"Tama na 'yan, Raven. Halika sa office ko at may ipapakilala ako sa'yo." Wika ng kanyang coach.

"Ayoko po ng lalaki sa ngayon, coach. Pass muna ako sa pakikipag-date." At di siya nagbibiro. Pagod na siya. Hindi na siya maghahanap ng bagong makaka-date. Ilang beses na nga bang naging failure siya sa pakikipag-date?

Seven times, Raven. S.E.V.E.N.!

Narinig niyang bahagyang tumawa si Sir Paul. "Although binata ang ipapakilala ko sa'yo. Hindi naman ito basta lalaki lang. Kaya halika na."

Sinundan niya ang coach patungo sa opisina nito. At ganoon na lang ang paghanga niya sa nakita. Isang hottie yata ang nakaupo sa couch ng opisina. Napakagwapo ng lalaki sa suot nitong abuhin na amerkana. At kahit pa undercut and buhok nito ay bagay na bagay naman iyon sa suot nitong eyeglasses.

"I'm sorry to keep you waiting, Mr. Dominguez. By the way, this is Raven Punzalan." Pagkatapos ay agad itong bumaling sa kanya. "Raven, this is Mr. Jake Dominguez, one of our sponsors sa national team."

Babatiin na sana niya ito nang biglang inilahad ng lalaki ang kamay nito. "Miss Raven. I'm very pleased to meet you. I'm a fan."

Napamaang siya sa genuineness na ipinapakita ng lalaki. Bakas kasi sa mga mata nito ang tuwa nang makita siya.

"I'm very honored, Mr. Dominguez."

"Please call me Jake. Napakapormal kasi ng Mr. Dominguez." Pakiusap ng lalaki.

Hindi tuloy niya mapigilang ngumiti. "Ah, yes. Jake, salamat sa pagiging sponsor mo sa team namin."

"No. The honor is mine. Nasa harap ko ang pinakagaling na taekwondo athlete sa bansa. The first woman to get a gold medal for the Philippines in Olympics."

Naks! Hindi ito matipid sa papuri. Oh well, hindi naman araw-araw makakatagpo ka ng lalaking tulad ni Mr. Dominguez.

"Pero hindi lang iyan ang rason kung bakit nandito si Mr. Dominguez, Raven." Singit ni Sir Paul.

Napalingon siya sa negosyante at tinanong ito sa tunay nitong pakay. "Pwede ko bang malaman kung ano iyon?"

Tumikhim si Jake bago nagsalita. "I heard na patapos na ang kontrata mo sa ini-endorso mong drinking products. Gusto ko sanang lumipat ka sa kompanya namin. Inaalok kita bilang endorser ng ire-release na bagong energy drink. Just tell me your terms at pag-uusapan natin."

Sandali siyang natigilan. Parang narinig na rin kasi niya iyon kaninang umaga. Napaka-in-demand naman yata niya these days. Gusto ng lahat na gawin siyang endorser. Pero ganoon pa man ay alam na ni Raven ang isasagot sa lalaki.

"I'm sorry, Jake. Pero plano kong mag-renew ng contract sa kasalukuyang iniendorso ko." Wala talaga siyang balak iwanan ang kompanya ni Pierre. Nakapangako na siya roon.

"Please. Huwag ka munang mag-decide. Pag-isipan mo muna ang offer ko. I'm not in a hurry." Ngumiti ito nang matamis pagkatapos inilahad nito ang kamay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon.

"I'm sorry but I can't promise you anything, Jake."

"Of course I understand your ties with your current endorsements. It's just that your love and passion for sports made you our number choice. Mahirap palampasin ang isang tulad mo. I just took the chance na baka sakali ay tanggapin mo ang offer namin."

Ang totoo ay na-touched siya sa pagtukoy nito sa pagiging passionate niya sa sports. Pero kahit gustuhin pa man niyang iendorso ang produkto nito ay hindi naman niya pwedeng iwan lang si Pierre. Siyempre mas mabigat para sa kanya ang suportahan ang kaibigan.

Biglang tumunog ang cellphone ni Jake kaya naman nag-excuse ito upang sagutin ang tawag. Doon na siya nilapitan ng coach. Tinapik siya nito sa balikat.

"Alam ko naman na kaibigan mo si Pierre. Pero isa sa major sponsors natin si Mr. Dominguez. Ang kompanya niya ang sumasagot sa malaking bahagi ng ginagastos natin sa mga competition abroad. Lalo na nitong papalapit na Olympics. Kaya naman sana pag-isipan mong mabuti ang pagtanggi sa offer niya."

Naiitindihan naman niya ang coach. Iniisip lang nito ang kapakanan ng buong team. Kung tatanggapin nga naman niya ang endorsement ay mas tutulong pa sa kanila si Jake.

Nagbuntong hininga siya. Kailangan niyang isiping mabuti ang susunod na hakbang. Kaibigan niya si Pierre pero hindi niya basta isaalang-alang ang kapakanan ng team. Okay lang sana kung hindi energy drink ang ipapa-endorse sa kanya, papayag siya.

Tama! Mabuti pa nga ibang product na lang. Kahit ano basta hindi lang in conflict sa kung ano ang ini-endorse niya para kay Pierre.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Pierre sa kanila.

"Pwede naman akong mag-endorse, Jake, basta—"

"Why not we talk it over lunch." Putol ni Jake sa sinasabi niya. "Tanghali na rin naman. I would like to invite you for lunch at Shangrila Makati."

At sa Shangrila talaga ha? Hindi nga maitatanggi ang yaman nito. "Lunch?"

"Yes, lunch. Pero kung ayaw mo naman sa Shangrila, name your favorite restaurant at doon tayo kakain." Jake insisted.

Mukhang iyon na yata ang pagkakataong hinahanap niya. Isang magandang ambience para kumbinsihin itong ibang produkto na lang ang ieendorso niya.

"I think may alam akong restaurant na magugustuhan mo ang dishes."

SWEET INTOXICATION: Falling in Love with the Drunken MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon