"GANYAN ba ang hitsura ng makikipag-usap tungkol sa endorsement?"
Nilingon niya ang pintuan ng kanyang kwarto at nakitang nakatayo roon si Pierre. Nakahalukipkip ito at pinagmamasdan siyang mabuti.
Ano bang mali sa hitsura niya? Naglagay lang naman siya ng kaunting lipstick para hindi siya magmukhang maputla sa harap ng ka-meeting niya. Hindi rin masama ang kaunting pagti-trim ng kilay ng isang babae. At lalong lalo na ang magpabango nang kaunti ay hindi rin masama.
"Ang aga-aga ha. Naghahanap ka ng away. At saka ano naman ang mali sa itsura ko, aber?" Pukol niya rito.
"Marami. The fact that you're trying to make yourself prettier is making it worse."
Tinapunan niya ng matalim na tingin si Pierre. "Oh eh ano ngayon kung nagpapaganda ng kaunti? Masama agad? Baka nakakalimutan mo. Babae rin ako. Dapat akong marunong akong magpaganda. At wala kang pakialam doon."
"Ah! Siguro dahil sa lalaki sa restaurant kahapon kaya ka nagpapaganda. For your information, mga taga-alta sociedad lang ang idi-date ng Jake na iyon."
Hindi na siya makatiis sa mga pinagsasasabi noon kaya ang unang-una niyang nahawakan na bagay mula sa makeup kit niya ay ibinato niya rito.
Ang mas lalong ikinainis niya ay ang mabilis nitong pag-iwas dahilan upang hindi ito tinamaan ng kawawang BB cream bottle na nasa sahig na ngayon.
"Hoy! Wala akong intensyong maging babae ni Jake Dominguez! At teka, bakit mo naisip 'yan ha? Dahil ba may magandang babaeng humahawak ng necktie mo kaya mo naisip na lahat ng babaeng nagpapaganda eh kumekerengkeng na? Ibahin mo ako. Di ako ganoon!" Naalala niya bigla ang hitsura ng babaeng nasa opisina ni Pierre kahapon. Hindi siya tulad noon na nagmi-make up nang todo para mang-akit.
What the heck? Paano ba siya dumating sa konklusyon na nang-aakit ang babaeng iyon kay Pierre?
Hindi ba obvious? Ang lagkit ng tingin noon kay Pierre!
Agad niyang ipinilig ang kanyang ulo upang mawaksi ang masamang hanging pumasok sa utak niya. It's not time to think about that woman.
"I just wanna make sure. You promised not to date anyone before your last Olympic gold medal attempt. Ipinapaalala ko lang sa'yo." This time, Pierre looked at her with a serious expression. Na agad namang ikinagaan ng loob niya. Pierre was just worried for her. Nais nitong mag-focus siya sa Olympics. At alam naman niya ang bagay na iyon. But having Pierre remind her about it is so much better.
"I know. Hindi ko nakakalimutan ang pangako ko sa'yo tungkol dyan. Purely tungkol sa ieendorse kong protein bar ang pag-uusapan doon."
Dahil tinanggihan niya ang pag-endorse sa energy drink ni Jake. Hiniling ng huli na ang protein bars na lang nito ang ieendorso niya. Siyempre pumayag agad siya. Bukod sa dagdag kita iyon, gusto rin niyang makabawi kay Jake dahil sa tulong na binibigay nito sa national team.
Ire-retouch na niya sana ang lipstick nang muling magsalita si Pierre. "Mabuti naman. Sige, ituloy mo lang ang ginagawa mo diyan, Miss Best Taekwondo Athlete ever."
Hindi tuloy niya mapigilang hindi ito muling lingunin. Nakataas ang gilid ng labi ni Pierre. Inulit kasi nito ang sinabi ni Jake tungkol sa kanya kahapon.
Magsasalita na sana siya nang naunahan na siya nito. "Kukunin ka pa kaya nung Jake na 'yon kapag nalaman niyang isa kang Drunken Master na nambubugbog 'pag lasing. Nakakatakot." Naiiling ito na tila ba may masamang naalala ito.
"Ah ganoon? Tinitiis mo lang pala ako ha!"
Di tuloy niya napigilang lumipad ang palad niya papunta sa braso ni Pierre.
BINABASA MO ANG
SWEET INTOXICATION: Falling in Love with the Drunken Master
Romance"So many women to fall in love with...but they're not you." Nang magpakasal ang kuya ni Raven sa girlfriend nito, hindi niya inakalang kasama pala sa package ng kasal na tumira rin sa bahay nila ang kapatid na lalaki ng bride na si Pierre. And s...