Part 3

3.4K 126 1
                                    

PAGKAPASOK na pagkapasok pa lang ni Raven ay agad na siyang binati ni Maan—ang assistant manager ng restaurant ni Pierre.

"Hi, Miss Raven. A table for two po?" Magalang na tanong nito.

"Yes, please," sagot niya kay Maan.

Sanay na sanay na itong estimahin siya kapag dumadating siya roon. Medyo iba nga lang ngayon dahil may kasama siya.

"You really are a VIP here." Nakangiting sabi sa kanya ni Jake.

"Medyo lang naman. C'mon let's take a seat."

Sinundan nila si Maan hanggang makarating sila sa dulong bahagi ng restaurant. Maganda ang view doon dahil malapit ito sa glass window. Nakikita nito ang hardin sa labas ng restaurant.

Nang ibigay na sa kanila ni Maan ang menu ay hindi man lamang ito binuksan ni Jake. "You know what? Since alam mo naman ang best dishes sa restaurant na 'to, why not order for us? Isorpresa mo ako, Raven."

Alam naman niyang hindi intensyon ni Jake na i-pressure siya, pero iyon ang nararamdam niya sa mga oras na iyon. Nais niyang masarapan at ma-enjoy nito ang kinakain para naman hindi siya mahirapang kumbinsihin ito na ibahin na lang ang iendorso niya. Pero may tiwala siya sa sarap ng mga pagkain sa restaurant. Siguradong magugustuhan ng mga ito ang masasarap na Oriental dishes na ino-offer roon.

"Iyong favorite ko na lang Maan. I'm sure magugustuhan ng kasama ko 'yon." Masarap ang Thai Chicken na lagi niyang inoorder. Siguradong magugustuhan iyon ni Jake.

Tumalima naman si Maan at ilang sandali pa'y iniwan na sila. Nagpaalam naman siya kay Jake para makapunta sa washroom. Pero imbes na dumeretso sa washroom ay sa opisina siya ni Pierre nagpunta. Alam kasi niyang naroon ito ngayon. Pierre spends his two-hour lunch break sa restaurant.

Kahit nakaorder na siya ay gusto kasi niyang dagdagan pa iyon ng ibang dishes na specialty ng chef. Gusto niyang mas maimpress pa si Jake.

"Pierre! Help! I—"

Kitang-kita niya ang gulat sa mga mata ni Pierre nang agad niyang binuksan ang pintuan ng opisina nito. Pero mas ikinagulat niya ang nakitang babaeng nakatayo roon at hawak-hawak ang necktie ni Pierre. Mukhang sopistikada ang babae sa suot nitong white sleeveless turtle neck blouse and gray pants.

"D-don't you know how to knock?" Usig ni Pierre sa kanya. Bakas na bakas sa mukha nito ang magkahalong gulat at inis.

"Sorry. I didn't mean to interrupt." Agad siyang nakadama ng pagkapahiya sa kanyang inasal. Hindi talaga niya inaasahan na may kasama roon si Pierre. Malamang ay masyado lang siyang sanay kay Pierre kaya minsan ay nakakalimutan niya ang mga simpleng bagay tulad ng pagkatok sa opisina nito. And she knows it's not an excuse.

Akma na sana niyang isasara ang pinto at aalis na lang nang magsalita ang babae.

"It's okay, Miss. I'm leaving anyway." Pagkatapos ay binalingan nito si Pierre. "Thanks for the time, Pierre. I really enjoyed it." Pagkasabi ay humalik ito sa pisngi ng lalaki.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ng babae. Sigurado siyang hindi iyon girlfriend ni Pierre dahil malalaman niya agad kung may bagong nobya na ito.

Baka bagong girlfriend at hindi pa naipapakilala? Pero imposible. Hindi sila naglilihim ni Pierre sa isa't isa.

Nang daanan na siya ng babae ay nakita niya kung paano siya tingnan from head to foot. She didn't know why, pero ramdam niya ang biglang pagka-insecure sa sarili. She's wearing just plain collar T-shirt and maong pants. Malayong-malayo sa sosyal na outfit ng babae. Idagdag pa ang silky brown wavy hair nito na hindi mapantayan ng kanyang short bob cut hair.

SWEET INTOXICATION: Falling in Love with the Drunken MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon