"SYEMPRE naman Papa. Dadating po kami ni Pierre diyan." Iyon ang huling sinabi ni Raven sa kanyang ama na biglang tumawag sa kanya upang imbitahin sila ni Pierre sa retirement party nito sa susunod na araw. Nahimigan din niya ang excitement sa boses nito nang malamang meron silang sorpresa ni Pierre dito.
Pero paano nga ba niya maibibigay ang regalo nang kasama si Pierre kung hindi niya maaayos ang problema nilang dalawa?
Kaya nga kailangan mo siyang kausapin. Iklaro ang mga dapat iklaro. But hell. She knew it's not easy. Alangan naman basta na lang siya papasok sa opisina nito at sasabihing 'Pierre, aksidente ang halikang iyon kaya wala iyong ibig sabihin.'
Pero nandito ka na rin lang naman, Raven. Your job is half done.
Mula sa parking lot ng office building ng PJS Philippines, Corp. ay iniwan niya ang kanyang kotse at sumakay sa basement elevator noon. Ito ang huling lugar na alam niyang maaabutan niya si Pierre. Nagpunta na kasi siya sa bahay at sa restaurant ngunit wala ito roon. Mas mapapadali sana ang paghahanap niya rito kung sinasagot lamang nito ang mga tawag niya. Nagtext rin siya na papunta na siya ng opisina nito pero hindi rin ito nag-reply. Pero dahil ugali naman nito ang mag-stay sa opisina hanggang alas otso ng gabi, kaya sinubukan na rin niya. Mag-aalas siyete pa naman. Sa tingin niya ay naroon pa rin ito ngayon.
Habang papalapit ang siya 8th floor kung saan ang opisina ni Pierre ay ramdam na ni Raven ang unti-unting paglakas ng kabog ng kanyang dibdib. Just the thought of seeing and talking to Pierre again after the kiss makes her nervous. Pero sa gugustuhin niya o hindi, kailangan niyang gawin iyon.
Paglabas niya sa elevator ay pansin agad niya ang pagiging tahimik ng buong 8th floor. Wala na kasi halos tao roon maliban na lamang sa gwardiang nakasalubong niya kanina sa baba ng building. Binagtas niya ang pasilyo patungo sa opisina ni Pierre. Bahagya siyang natuwa nang mapansing may naaaninag pa ring ilaw sa loob noon. Nang nasa harap na siya ng pinto ng opisina ni Pierre ay huminga muna siya nang malalim. Nag-ipon din siya ng lakas ng loob bago nagdesisyon na kumatok na.
Pero bago pa man niya maitaas ang braso ay bigla na lamang bumukas ang pinto ng opisina. And instantly, there was Pierre standing right in front of her. And in a split of a second his eyes made her remember everything that happened.
Ang ganda mo talaga sa malapitan. Bakit ba ang ganda-ganda mo, Raven?
Tila tumindig ang balhibo sa kanyang batok nang maalala ang mga salitang iyon ni Pierre. Agad niyang ipinilig ang ulo upang maalis iyon sa kanyang isipan.
"Uhm...Wow. Hindi pa ako kumakatok, binuksan mo na ang pinto."
Tumango si Pierre. "Tinawagan ako ng guard sa baba na nandito ka raw." Lumabas din ito ng opisina at isinardo ang pinto sa likod nito. "So, what brings you here?"
What brings you here? Seriously? Tinatanong siya nito ng ganoon? Hindi ba ganoon ka obvious para dito na dapat nilang pag-usapan ang nangyari kaninang madaling araw?
"Hindi mo kasi sinasagot ang tawag at text ko. Kaya nagpunta na ako dito. D-dapat kasi kaninang umaga pa natin pinag-usapan ito."
He crossed his arms and stared at her. "Sorry, nasa meeting ako kanina. Naka-silent ang phone ko. Bakit? May problema ba?"
Problema? Seryoso ba ito? Hindi nito kinokonsiderang problema ang nangyari sa pagitan nilang dalawa?
"Pierre, kasi—"
"Sorry talaga. Mukhang napasobra ang inom ko kagabi. Did something happen?" Ramdam niya ang pag-aalala sa boses nito.
Ibig sabihin ba noon ay wala itong maalala sa mga nangyari kagabi? Gusto na sana niyang matuwa ngunit pinigilan niya ang sarili. Nais niya munang makasigurado.

BINABASA MO ANG
SWEET INTOXICATION: Falling in Love with the Drunken Master
Romance"So many women to fall in love with...but they're not you." Nang magpakasal ang kuya ni Raven sa girlfriend nito, hindi niya inakalang kasama pala sa package ng kasal na tumira rin sa bahay nila ang kapatid na lalaki ng bride na si Pierre. And s...