Luhan's POV
Sinabihan ko si Xiumin na manatili muna dito kasi mag-uusap kami. Kung tinatanong niyo ako kung bakit ako makikipag-usap ewan di ko rin alam. Para akong baliw eh. Tsk! Nahawaan ata ako sa kabaliwan nila. Ilang minuto rin kaming nanahimik, pero di naman masyadong awkward.
...
...
...
...
"Kumusta dun Luhan?" tanong ni Xiumin para maputol ang katahimikan. Hmmm, Luhan lang ang tawag niya sa'kin ngayon ah. Seryoso siguro tu, Lu-ge kasi pag hindi siya masyadong seryoso ang tawag niya sa'kin.
"Okay lang, medyo malungkot din kasi wala kayo eh, walang maiingay. Ikaw?" sagot ko sa kanya.
"Okay lang din, namiss kita bespren! Tagal mo namang bumalik. Dalawang taon talaga mo kaming pinag-hintay!" sabi niya sabay tawa.
"Oo nga eh, may dapat kasi akong kalimutan. Sa wakas nga nakalimutan ko rin siya." amin ko sa kanya.
"Kalimutan? Babae ba yan?" tanong niya sa'kin na naka kunot noo.
"Yeah, babae." sabi ko at ngumiti, tinignan lang niya ako na parang sinabi na ituloy ko ang aking sasabihin kaya ngumiti ako at ipinagpatuloy ito, "Minahal ko siya simula noong magka-kilala kami, lagi akong andyan sa kanya, inaalayan at inaalagaan, para na nga kaming magkapatid sa sobrang close namin eh. Akala ko pagkakaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya, kaya lang noong may nanliligaw sa kanya naiinis ako, nag-away pa kami nun eh kasi di ko siya pinansin at sa mga araw na yun na realize na gusto ko na siya, hindi pala, mahal ko na siya. Nilihim ko lang yun sa kanya kasi takot akong masira ang pagkakaibigan namin, na baka mawala siya ng tuluyan sa'kin. Alam mo yung martyr? Naranasan ko yun eh noong minahal ko siya. Lumipas ang panahon pero ang lihim kong pagmamahal sa kanya ay hindi pa rin kumukupas. Isang araw nakita ko na naman siyang may kasamang ibang lalaki, akala ko syota niya kaya pinagalitan ko siya nun kasi niyakap siya eh, nagseselos ako kapag may ibang taong yumakap sa kanya, kumausap sa kanya at aalagaan siya. Oo selfish ako pagdating sa kanya baka kasi hindi siya magiging masaya sa akin. Makalipas ang ilang araw ng mangyari na yun naisipan kong umamin sa nararamdaman ko kaya may masamang nangyari..." tinigil ko muna at huminga ng malalim, inakbayan niya ako at kinomfort. "Umiiyak siya nun, tinanong ko siya kung bakit, sabi niya hindi raw siya mahal ng taong mahal niya. Ang sakit! Ang sakit malaman na may mahal na pala siyang iba, tinanong ko kung sino at alam mo yung ano ang mas masakit? Kaibigan ko pa ang taong mahal niya, hindi lang basta kaibigan sobra pa sa kaibigan para ko na siyang kapatid nun eh. Pero mas matindi pa ang sakit ng nalaman ko na mahal din pala siya ng kaibigan ko kaso takot siyang umamin sa kanya dahil ayaw rin niyang masira ang pagkakaibigan nila. Handa na sana akong umamin at ipaglaban siya eh kaso naduwag ako. Alam mo kung bakit? Kasi alam kong talo ako, alam kong sasaktan kolang ang sarili ko at sasaktan ko lang rin sila. Pinili ko nalang ang pagkakaibigan kesa sa sarili kong kaligayahan, nagpakalayo-layo ako para makalimot. Dalawang taon... inabot pa ng dalawang taon para makalimot ako sa kanya at sa di inaasahang pangyayari nakalimutan ko din ang pagmamahal ko sa kanya, kasi may tumulong sa'kin, may taong hindi ako iniwan kahit ipinag tulakan ko siya. Pero kahit na hindi na katulad noon ang pagmamahal ko sa kanya mahal ko pa rin yun. Handa pa rin akong protektahan siya at alagaan sa oras na sasaktan siya sa kaibigan ko. Ewan ko ba bakit naging ganito ako sa kanya, siguro kahit wala na akong nararamdaman sa kanya naging malaking parte rin siya ng buhay ko. Minahal ko ng sobra sobra ang babaeng yun, masaya nga ako kasi, may pag-asa pang matupad ang pangarap niyang makapiling ang taong mahal niya eh. Ewan ko ba dun sa kaibigan ko kung bakit hanggang ngayon torpe pa rin! Hindi man lang magawang umamin sa kanya. Para silang mga baliw hanggang tingin lang sa isa't isa kasi mga duwag. HIndi ko rin naman sila masisisi eh, kasi kagaya ko maytakot din silang mawala ang isa't isa. Tsssskk! Ang haba ng storya ko, sensya na Umin ah." sabi ko sa kanya sabay ngiti. Nanahimik muna kami kasi di namin alam kung ano ang aming sasabihin kaya lang