Xiumin's POV
Dinala ko siya sa isang Filipino Restaurant kasi alam kong miss na niyang kumain ng Filipino dishes kasi kahit nandito kami sa Pinas maselan lang kaming kumain ng Filipino foods, Korean, Japanese o Chinese foods talaga ang parati naming handa sa hapag kainan kasi yun yung nakasanayan eh. Napangiti ako ky Zennie halata kasing excited na siyang kumain kaya dinala ko na siya sa loob at umupo kami sa isang table na malapit sa bintana para kita namin ang view sa labas. Tinawag agad namin ang waiter para kumuha ng order kaya lang wala akong alam kung ano ang masarap kainin kaya siya na lang ang pumili. Inorder niya ay adobo, pancit and pork barbeque at sa dessert naman ay halo-halo. Habang hinihintay namin ang aming order, nakita kong may bakas na lungkot ang mukha ni Zennie kaya naisipan kong kausapin siya.
"Zennie-ah, are you okay?"alala kong tanong sa kanya.
"Ah, oo may naalala lang ako."sagot niya sa akin.
"Yung totoong pamilya mo ba?" tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at yumuko. "Alam mo pwede mo naman akong sabihan kung ano talaga ang nangyari eh. Bestfriend mo ako kaya maaasahan mo."dagdag kong sabi saka ngumiti. Tiningnan niya lang ako at huminga ng malalim para sabihin kung ano talaga ang nangyari.
Flashback
Third Person's POV
"Tulong po, tulong... Maawa po kayo tulungan niyo po ako... Ni-rape at pinatay po ang nanay ko... pinatay rin ho ang tatay ko ng aking tiyuhin... Maawa po kayo tulungan niyo po ako" Iyak na sabi ni Zammie sa kalsada subalit walang ni isa ang pumansin sa kanya dahil na rin sa takot na baka madamay pa sila. Iyak lang ng iyak si Zammie hanggang sa may isang Koreanang ale na lumapit at tumanong sa kanya kung ano ang problema. Sinabi niya lahat sa ale ang nangyari, subalit di siya maintindihan nito kaya pinili ng ale na dalhin muna siya sa hotel na tinutuluyan at pinagpahinga.
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"Asan ako? Sino ka? Anong nangyari? Nasan ang mga magulang ko?"takot na tanong ni Zammie sa ale.
"Iha, I'm sorry but we can't understand you. If you know how to speak in English kindly explain to us what happened?"sabi ng ale.
"Yes, I know... But who are you?"tanong ni Zammie sa kanya.
"I'm Kim Yoo Ra and he's Kim Jun Hyun my husband, you were crying at the road awhile ago we're asking you what happened but we can't understand what are you talking about so we decided to bring you in our hotel room so that we can talk to you and help you solved your problem. Can you tell me what happened? Where's your parents?"tanong ni Mrs. Kim subalit biglang bumuhos ng iyak si Zammie ng marining ang salitang parents.
"My mom... my dad... they were killed... they were killed... my uncle is a criminal... he's devil... I don't have my parents now... Where should I go? they're dead."hagulhol na sabi ni Zammie. Di alam ni Mrs Kim kung ano ang gagawin kaya niyakap nalang niya ito ng mahigpit para tumahan. Nang tumahan na ito tinuloy ni Zammie ang pagsabi kung ano ang nangyari.