Chapter 6

19 1 0
                                    


"Where are you?" texx saken ni Sarah tatlong araw matapos niyang ibuking saken yung new student..

"Why?" I replied back.

"Grabe ka! 5minutes na lang malelate ka na sa klase!"

"Male-late pala ah.. Kaya pala nasa canteen ka pa din ngayon kumakaen?"

"Bwisit ka talaga! Dalian mo na at andito na sa room Si Sir Enriquez!!"

Tsh.. Pero totoo, nasa room na talaga si Sir Enriquez, muntik pa nga akong malate. At eto namang Sarah'ng to, nasa canteen daw sabe ng katabi ko.

Nang walang ano-ano'y nagsipag-tinginan ang mga classmates ko sa pintuan.

Si Sarah.

Dahan-dahan pa siyang naglakad papasok ng room para hindi siya mapansin ni Sir Enriquez na nagsusulat sa board.

"Miss Perez.." naestatwa naman si Sarah sa kinatatayuan niya. Tska niya nilingon si Sir na nagsusulat pa din. Tska siya ulit dahan dahang naglakad.

"Miss Perez hindi mo ako maloloko ng mga ninja moves mo.." sinabi niya pa din yun habang nagsusulat. Lakas ng pakiramdam eh!

"Sir! Sorry po sir! Sumama kase yung tyan ko kaya-"

"Sit down.."

"Peste!" Bulong ni Sarah pagkalapit niya saken. Seatmates kase kame.. "Pucha! Ba't ang lakas ng pakiramdam niyan?" Reklamo pa niya. "Ikaw alam mo ba kung bakit?" Tanong niya dun sa katabi ko. "Huy ikaw," kalabit niya naman nung nasa unahan niya..

"Sarah ano ba para ka kaseng tanga." Sabe ni Jenny, yung nasa unahan ni Sarah, tska nagbungisngisan yung mga nakarinig.

"Mga leche kayo!! Wag kayong magngongopya mamaya sa quiz ng matandang yan ah!"

"Tumahimik ka na nga." Saway ko naman sa kanya.

"Isa ka pang babae ka! Dimo man lang sinabe na andito ka na pala. Bwisit ka! May pa 'why why' ka pang nalalaman, andito ka na palang bwisit ka! Dika man lang talaga nageffort na sabihan akong andito na si Sir! Ganyan na pala ang magkaibigan ngayon. Sige kung ganyanan. Bahala ka! Wag kang kokopya saken ah!" Bubulong-bulong pa niyang sabe.

Minsan talaga naiisip ko, pano ko ba naging bestfriend tong baliw nato? Sobrang magka iba kame ng ugali eh. Maldita ako sa lahat. Madalas akong magsungit. Hindi ako friendly. Hindi rin ako masyadong nagsasalita. Samantalang etong Sarah, kabaliktaran ko. Sobrang friendly niya. Maldita siya pero sa mga kinaiinisan niya lang. Nagsusungit siya pag trip niya lang. At sobrang ingay. Minsan naiisip ko na lang, 'hindi kaya parusa to saken dahil masyado na akong nagiging masungit?

Taka akong napatingin sa katabi ko sa left side ng bumungisngis ito.

"Sarah ano ba?" kunwaring naiiritang bulong ni Jenny kay Sarah. "Pag liningon tayo ni Sir dito sasabihin ko nangongopya ka." Sabe pa nito tsaka mahinang tumawa.

Naiinis naman akong nilingon ni Sarah na agad ko namang pinagtaasan ng kilay. Bumuntong hininga siya.

"Peram ballpen."

Gusto kong matawa dahil yun lang ang kelangan niya pero ang dami niyang inistorbo. At pinipilit niyang sabihin yun na parang galit talaga siya.

Hindi ko siya pinansin.

"Huy.. Peram na kase ako.."

Hindi ko pa din siya pinansin.

"Ash naman eh.. Peram na kase ako.."

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon