Chapter 7

16 1 0
                                    


"Hey! Kanina ka pa tahimik, is there something wrong?"

Napatingin ako sa kasama ko ngayon. Right Ashley. You're spacing out again. Nasa school na kame ulet? So, I was spacing out like 1 hour?

"Hey, you okay?" He asked again.

I look at him then smile, "Wala naman. Sorry."

"You made me worry." Mahihimigan sa boses niyang nag-alala talaga siya. But why? "Its just that, kanina ka pa kase walang imik, nung kumakain tayo and hanggang... kanina. So, I thought-"

"Im sorry if I made you worry. I.. I.." Si Sarah lang ang nakaka alam ng tungkol kay John Rey, reason why I'm spacing out most of the time. Wala naman sigurong mawawala kung ishshare ko sa iba ang tungkol sa kanya. "Well, I just.. I just remember someone.."

"Your boyfriend?"

"What? No! Wala akong boyfriend."

"So it must be your ex-boyfriend?"

"Its.. Well.. I.. I don't think 'ex' is the right term."

"Hmm.." Tumingin siya sa labas ng kotse niya na parang nagiisip. "Kunwari na lang hindi ako nagtanong." Then he smiled. "Let's go?" Tska siya naunang bumaba ng kotse niya.

John Rey is not my boyfriend nor my ex boyfriend. He's the boy I didn't know I would fall for. The boy who unexpectedly came and stole my heart. He's.. the one that got away.

---

"Oh my gosh! Are you okay? Pinagalitan ka ba ni Tito? Anong sabi ni Tita? Gosh! Dapat sinabi mo saken para nasamahan kitang umuwi sa inyo."

Pambungad yan sakin ni Sarah Monday morning. Pinauwi kase ako ni Daddy sa bahay nung Friday dahil dun sa pagsigaw ko sa professor ko. And, yeah, pinagalitan niya ako.

"Huy! Ano? Hindi din kita makontak nung sabado pati kahapon."

"Kinuha ni dad."

"Pinagalitan ka nga. Anong sabe?"

"Wala ka bang pasok?" Pagiiba ko ng usapan. Sana magets niya.

"Walang pasok ngayon ano ba! Preparation ngayon ng mga school officers para sa nalalapit na Mendoza Monthlong celebration," ang tinutukoy niya ay yung buwan kung kelan nabuksan ang M.U. "So, ano ngang sabe ni Tito?"

"He said, 'Akala ko ba malinaw na sayo na hindi mo pwedeng basta basta na lang sinisigawan ang mga professor mo? Ashley, you're the heir... soon. Pero sa ngayon, estudyante ka pa lang kaya.. please lang Ashley.. Please..'" Pang gagaya ko sa sinabe ni Dad saken.

"Hays.. Teka, bakit mo ba kasi sinigawan yung Prof mo?"

"Nag 'hi' kase saken yung katabi ko-"

"Yun lang?"

"Then nginitian ko siya-"

"My gosh Ashley para yun lang nanigaw ka na ng Prof? Alam mo minsan naiisip ko na dapat nag I.T na lang din ako para nababantayan ko yang ugali mo eh! Tignan mo! Nag 'hi' lang sayo tapos nginitian mo lang.. Grabe ka! Makano ba yang ngiti mo ha? Ginto ba yan? Edi dapat hindi mo na nginitian kung maninigaw ka lang din naman ng Prof mo!"

Why am I friends again with this person? Ugh!

"Patapusin mo nga kase muna ako pwede?"

"Gosh! Hindi na! Alam na alam ko na yang ugali mo! Grabe ka-"

"Lumayas ka nga sa harapan ko!!" Sigaw ko na ng tuluyan sa kanya.

"Eh bakit ka naninigaw?" Sigaw niya din. "Nagtatanong lang naman ako ah!"

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon