Mendoza University Celebration..Sixth day...
October is Mendoza University Month. So ibig sabihin, buong October walang pasok. October 20, 1977 nabuksan ang MU para sa lahat, and it's not just for college students, meron din itong elementary at high school, mas malawak nga lang talaga ang sa college.
Pero kahit na buong month ng October walang klase, required pa rin na pumasok ang mga students, well except sa mga elementary, because attendance is a must. Buong October may activity, pwede kang hindi sumali pero kelangan mong mag-attendance sa room niyo. Sa mismong araw naman ng ika-40th anniversary ng MU, may magaganap na pageant, sa umaga ay yung sa highschool, sa hapon naman ay yung sa college.
Last Monday pa nagsimula ang Mendoza's Month pero hindi pa din ako nagpupuntang school. Wala naman kaseng gagawin dun. Bukod sa attendance, tatambay lang ako sa teacher's lounge or di naman sa office ni Daddy. Malamang sa malamang iiwan din ako ni Sarah kung saan oras na makita niya si Andrei, kaya might as well mag-stay na lang dito sa bahay.
*knock knock*
"Bebs?" hindi pa man ako nakaka bangon mula sa pagkaka higa ng pumasok si Sarah sa kwarto ko ng bihis na bihis. "My ghad bebs!! Bumangon ka na!!""Why?" tamad kong tanong
"Anong 'why'? Isang linggo ka ng wala sa attendance-" nilingonko naman siya agad at binigyan ng 'paki-ulit mo nga yung sinabi mo look'... "Pero syempre nililista ko pa den yung pangalan mo, ano ba! Hahaha!!! Pero jusko naman bebs! Um-attend ka na!"
I sighed. "Wala nga kase akong gagawin dun. Sa mismong anniversary na lang ng MU."
"Bebs... Please..." lumuhod pa siya sa harap ko at nag-puppy eyes.
"Hindi bagay sayo."
"Bebs!! Sige na kase!!"
"Ayoko nga kase! Asan ba yung boyfriend mo?"
"H-ha? A-anong boyf-friend?"
"Nauutal ka pa! Oo na. Lumabas ka na ng kwarto ko, hintayin mo ko sa baba." tska ako tumayo at naglakad papuntang banyo. Naghubad ng damit, undies, at naligo. Isang mabilis na ligo lang dahil baka pasukin ako ni Sarah dito. May ugali pa naman siyang basta basta na lang pumapasok ng banyo ko pag kating-kati na siyang umalis. Nang matapos ay sinuot ko na yung bathrobe, nag-toothbrush at lumabas ng banyo.
"What the hell!!" gulat kong sabe ng malabasan ko si Sarah na nag-aabang sa labas ng banyo ko. "Lumabas ka na ng kwarto ko!" Tumawa lang siya. "Magbibihis na ko, ano ba!"
"Relax! Eto na!" Natatawa pang sabi niya habang binubuksan yung pinto. "Magtatago ka pa eh nakita ko naman na yang-" hindi na niya naituloy ng batuhin ko siya ng unan at naisarado niya agad yung pinto.
Nag-pants lang ako tska T-shirt na maroon tska black na sneakers. Nag suklay, nag pulbo, nag apply ng lipstick tska lumabas ng kwarto.
"Hay salamat naman..." Sabe pa ni Sarah ng makababa na ako. "Let's go!!"
--
"There! Dun tayo!" tska niya ko hinila sa mga booth ng--- pagkain??!! Taka ko pa siyang tinignan. "Is this for free?" Tanong niya pa dun sa babae. Tinignan ko naman yung mga katabing booth-- at puro pagkain ang laman.
"May free taste kami then yung next na kukunin mo is 10pesos." Agad namang kumuha si Sarah dun sa mga samples.
"Masarap!" sabe pa ni Sarah tska ulit kumuha ng dalawa.
"Ano ba yan?" Tanong ko dun sa babae. Color brown kase siya na may asukal at parang mga sprinkles.
"Graham Pastillas." Naka-ngiti naman niyang sagot. Tumango na lang ako tska tska tinignan ulit si Sarah na hawak na yung isang maliit na tupperware na may lamang Graham Pastillas.