Chapter 9

19 1 0
                                    


Andun na nga si Andrei pagbalik namin ni Sarah sa cafeteria. Umalis din naman sila agad matapos puntahan ni Sarah ang lahat ng booth. Wala yata siyang pinalampas na booth sa area na yun.

"Hungry?" Tumango ako. Medyo gutom na nga talaga ako. 11:45 na rin pala. "Meron daw mini restaurant ang mga culinary students sa harap ng HRM Building," tinignan niya ako na parang naghihintay ng sagot ko. "Let's go there?"

Sumabay lang ako sa paglalakad niya. May kalayuan din kase ng onti ang HRM Building sa main cafeteria kaya may sarili din silang cafeteria.

Habang naglalalad kami, naisip ko yung sinabe ni Sarah about kay Seb, na matagal na siyang may gusto sakin. So bakit ngayon lang siya lumapit saken?

"Huy! Si Ashley yun diba?"

"Girls si Sebastian!!"

"Hala!! Bakit magkasama sila?"

"Omg!! Hindi kaya sila na?"

"Gaga!! Isang linggo pa lang silang magkakilala, sila na agad?"

"Dont mind them," natatawang bulong saken ni Seb.

"Yeah. This is why ayokong may ibang kasama except for Sarah. Lalo na pag mga lalaki." Sabe ko tska ko siya nilingon.

"Gwapong lalaki!" Kumindat pa niyang sabe.

"Do I need to support that?" Kunwareng nanunuyang tanong ko sa kanya.

"Yeah thanks." Tska siya umirap na parang babae, tumigin ulit siya saken tska kame sabay na natawa sa ginawa niyang pag-irap.

He's kinda funny. Nung una siyang pina kilala ni Andrei, akala ko tahimik lang siya. Nung nakakasama ko na siya, napansin ko na medyo madaldal siya. Corny siya mag-joke pero matatawa ka sa expression ng mukha niya pag nadidismaya siya sa sariling jokes.

"Thinking about that person again?" Tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namen. "Pwede ko bang malaman kung sino siya?"

"Who?" Takang tanong ko.

"Yung 'not your boyfriend nor your ex'.." He smiled.

"Oh! That.." Sabe ko nang maisip ko kung sinong tinutukoy niya. "That was John Rey.." Natigilan naman siya sa pagkain. Napansin ko ding nangunot yung noo niya at dahan-dahang binitawan yung hawak na kubyertos.

Napailing pa muna siya bago niya ako tinignan at ngumiti. "What happened?"

Ininom ko pa muna yung natirang tubig sa baso ko bago nagsalita. "He just disappeared, I've lost contact and hindi ko na alam kung san siya hahanapin."

"Hinanap mo siya?" Di makapaniwalang tanong niya na medyo kinagulat ko. "I mean, he just disappeared. Kinalimutan mo na lang sana siya."

"Because I wanna know his reason. Kung bakit hindi siya nagpunta sa araw na sinabi niyang magkita kami. Kung bakit-"

"You love him?"

"Yeah, ofcourse.."

"Hanggang ngayon?"

"I.. I dont know.. Maybe gusto ko na lang talaga malaman kung bakit hindi siya dumating nung araw na yun. I love him, ofcourse, pero kelangan ko ding umusad. Nakatambay ako sa past and now gusto ko ng umalis dun."

I met his gazed. We both sighed. "Let me help you." He said.

"You dont need too.."

"Then, let me stay by your side until you're free from your past..."

I'll let you. I've made up my mind. Aalis na ko sa nakaraan. Bakit ba ngayon ko lang to napag-isipan?

I just wish this man won't leave me hanging--- too.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon