Tenth Day...
"Where are we going?"I asked.
"Dyan lang." Naka ngiting sagot ni Sarah sakin.
Really now? After yesterday? Ang sakit pa ng ulo ko!
After nilang umamin samin ni Seb the other day, nag decide si Sarah na mag celebrate kinaumagahan. So we went to the nearest resort sa lugar namin. Luckily, walang masyadong tao kaya parang solo namin yung place.
At parang may bithday sa dami ng pagkain na dala ni Andrei at Seb samantalang wala kaming dala ni Sarah bukod sa damit at sa sarili namin.
Magga-gabi na ng maisipan naman ni Andrei na mag-inuman. Nung una ayaw pa ni Seb kase nga pare-parehas kaming magda-drive, pero hindi na din siya nakatanggi nung nilabas ni Andrei yung inumin mula sa kotse niya. Pinaghandaan na pala talaga ni loko.
Hindi ko alam kung pano pa akong naka pag drive nun, hindi naman pwedeng si Sarah ang nag drive kase mas nauna pa siyang nawalan ng malay kesa sakin. So it's either, Seb or Andrei. Pero paanong nangyaring naka pajama ako?
"Tada!!" Sabi ni Sarah nung maka-abot kami sa garden ng bahay. The table was set for two. May naka latag na din na coffee and pancakes.
"You made this?"
"No. He made this." Sabe niya tska tinuro yung back door ng kitchen. Lumabas naman dun si Seb na may bitbit na tray pa ng pancakes.
Anong oras na ba at andito na siya? Nilingon ko naman si Sarah na malawak ang pagkaka ngiti, halatang kilig na kilig.
"Good morning.." Si Seb.
"Good morning." I greeted back.
"Pasok na ako sa loob." Si Sarah tska patakbong bumalik sa loob ng bahay.
"You're early.."
"Yeah, I thought of inviting you for breakfast but then naisip ko na baka may hang-over ka pa so.. I came here instead." Sabe niya tska ako inalalayang umupo.
"You prepared this?" Tanong ko pa pagka-upo niya.
"Yes. Tinanong ko si Manang kung anong timpla ng kape mo bago siya umalis para mamalengke. I also asked her kung pwedeng maki-alam sa breakfast mo and um-oo naman siya."
Ngumiti na lang ako tska nagsimulang kumain at pag-masdan siya. Hindi ko naman first time na mag breakfast kasama siya pero eto yung first na dito sa bahay, at sa mismong fvorite part ko ng bahay na 'to, ang garden.
Lahat na lang ng first. Maging ang mga first after 5 years ginagawa ko na din kasama siya. Seb, why are you doing this?
--
Eleventh Day..
Nakatayo pa din ang mga booth kahit na busy ang ilan sa paghahanda para sa darating na MU Day. Bukod sa anniversary ay pingha-handaan din ng pageant para sa araw na yan.
Magiging bukas ang MU para sa lahat sa mismong anniversary nito, meaning pwedeng pumasok maging ang mga hindi students ng MU. Mas madami nga lang na bodyguards ni Lolo at Daddy ang naka kalat sa araw na yan.
And as for me and Seb, we went out last day, dinala niya ako sa isang zoo, kumain sa labas and tumambay kami sa isang park after that.
Nagsimba naman kami nung Sunday. Sinamahan niya din ako sa mall para magpasukat nung gown na isusuot ko sa MU Night, 3 hours pagka tapos nung pageant.
"Ash.. I want you to know na hindi ko pinag sisisihan na ngayon lang ako lumapit sa'yo after so many years.. Kung ano man yung kasalanan ko nuon sa'yo at sa magiging kasalanan ko pa, sana mapatawad mo ko..."
Naalala kong sinabi yang saken ni Seb kahapon ng makatulog ako sa kotse niya. Hind ko alam kung yan ba yung eksaktong mga sinabi niya pero ganyn yung narinig ko.
Ewan ko pero bigla akong kinabahan. Ano naman yung ginawa niya nuon? At ano kaya yung magiging kasalanan niya pa? Natawa naman ako sa sariling tanong. Hindi naman ako sigurado kung tama ba yung narinig ko eh. Hahaha.
"Hey! Kanina ka pa?"
"No. Kakarating ko lang din." I smiled at him.
Seb.. Pano ba malalaman kung hindi ka na iiwan ng mga taong pinayagan mong maka pasok sa buhay mo?
"Asan na pala si Sarah?" Tanong niya.
"Magkasama na siguro sila ni Andrei ngayon." Sumabay kase ako kila Andrei papuntang school. May laro daw kase sila Andrei ngayon ng basketball. Hindi naman ako mahilig manuod ng mga ganun pero sumama na lang din ako dito sa school.
"So hindi ka mununuod?" He asked. I nod. "What are we going to do then?"
"Ikaw, baka manunuod ka? We can jst go there and watch."
"If we go there, I know mabo-bore ka lang since hindi ka naman mahilig sa mga ganun," Seriously? Sinabe ba lahat ni Sarah sa kanya ang lahat ng yan? "Kain nalang tayo? Or what? Anong gusto mo?" Tanong pa niya. "Hey, you know, I heard na may bagong pakulo ang Criminology students.."
"What?"
"Nang-huhuli daw sila ng mga students then kinukulong nila dun sa ginawa nilang mini jail booth. Then isa dapat sa mga kaibigan mo ang maka-hanap ng susi ng handcuff mo. After 5 minutes daw at wala pa, maliligo ka daw sa pintura." Natatawang sabi niya.
"That's crazy!" Natatawa ko ding sagot.
"Yeah. And ayan na sila!" Sabe pa niya tska itinuro yung mga criminology students na papalapit sa kinatatayuan namin. "What do we do now?"
"Of course we get out of here! What else!" Sabi ko tska mabilis na naglakad palayo sa pwesto namin. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilain para tumakbo. Napa lingon pa ako sa likod namin at nakitang kami nga ang hinahabol nila.
Nakakatawa na dahil para kaming mga kriminal na hinahabol ng mga pulis.
"Whaaa!!! Go Seb!! Go Ashley!!"
"Hala ohmy!! Sila ang target nila!!"
"Kyaaa!!! Bilisan niyo!!"
"Hala bilisan niyo Kuya Seb!!"
Ewan ko kung nang-eencourage sila or mas pinapa-kaba lang nila ako. Gosh! Buti na lang naka sapatos ako.
"Let's go inside!" Sabi ni Seb na tinuro yung gym kung saan may laro ng basketball.
"What? Baka diyan pa tayo mahuli!"
"I promise they wont get us caught." Tska niya ako hinila papasok ng gym. Sobrang daming students. Nahirapan pa kaming maka pasok. Naki pagsiksikan kami sa naghalong high school and college students. "Let's stay here." Sabi pa niya nung nasa gitna na kami ng crowd.
We stayed there hanggang matapos ang laro. Luckily, may time limit din pala yung larong yun nung mga pulis na yun. After 5 minutes at hindi ka pa din nila nahuli, maghahanap na sila ng next target nila.
"Nice run Ramos and Mendoza." Sabi pa nung naka salubong naming criminology student. Napa hawak naman agad ako sa braso ni Seb. "Dont worry Mendoza, hindi na namin kayo huhulihin ngayon, just make sure na hindi din namin kayo mahuhuli bukas or sa susunod na araw." Sabi pa niya tska ako tinapik sa balikat at naglakad palayo.
The department that I always admire, ang Criminology Department. Hindi kasi sila kagaya nung ibang department na tinitignan ako bilang may-ari ng university na to. Nakikita nila ako bilang kakumpetensya sa lahat ng bagay. Sabi pa nila, tska na nila ako titingalain sa mismong araw ng graduation namen. And I like that attitude of them.
"Oh my gosh! Kayo daw ang hinuhuli nung mga pulis kanina?" Si Sarah pagkauwi ko. I nodded. "Buti hindi kayo nahuli!"
"We ran, of course. Naki pag siksikan kami dun sa gym kanina."
"You know what?" Sabe pa niya tska naupo sa tabi ko.
"What?"
"I noticed that, lagi ka ng naka-ngiti. Mas lalong nabawasan yung pagsu sungit mo ever since Basti came. Kung bakit ba naman kase ngayon lang siya dumating, no? Matagal ka na sigurong mabait. Hahaha!!! Pero sana.. Sana magtuloy tuloy na yan.. Sana siya na talaga.."
Ganyan nga din naiisip ko.. Bakit ngayon lang kase siya dumating? Hays.. Sana.. Sana lang talaga..