Chapter 6

4 1 0
                                    

*Happiness*

~Cassey's POV~

"Open your eyes Jacey." Sabi nya saktong pagtanggal ng piring sa mga mata ko.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. At laking gulat ko ng madami akong nakitang pagkain sa lamesa,  puro favorite ko pa. Bigla tuloy akong nagutom.

Nilibot ko ang paningin ko at dun ko nakita kung gano kaganda tong kusina ng rest house nila Kevin.  Talagang pinaghandaan kung ano mang merong handaan dito!  'Anong meron??'. Pag tingin ko sa likod ni Kevin biglang nanlaki yung mga mata ko.

As in sobrang laki. Kulang na lang lumuwa sya. Yung tipong matatangal na yung eyeball.

Pano ba naman kase mukang in-effort-an tong venue. Ang daming palamuti tas may pa-balloons pa si mayor, meron din mga mga letter balloon na hindi ko mabasa kase natatakoan nung mga varsity player. Ang tatangkad eh -_-

And owww! nandito din pala ang magaling kong best friend at kasama pa si James. Tsaka meron pang iba pero mga hindi ko kilala.

Tinignan ko sya ng masama at nginitian lang ako ng bruha.  Arrrghhh!  She's my best friend pero pumanig sya pinsan nya?  Huhuhuhuhu she betrayed me!

Pupuntahan ko sana si Sheena para kotongan pero nanigas ako ng biglang hawakan ni Kevin ang kamay ko.

"Where are you going? May sasabihin pa ko." Sabi nya habang nakahawak sa mga kamay ko. Kinabahan ako bigla.

"an-no b-ba yun?" Shit Cassey umayos ka nga!

Kinakabahan talaga ako sa mangyayari. Pero nae-excite din ako at the same time. Ewan hahaha ang weird ng ganto.

"Listen to me ok?" Putaaaa kinakabahan ako. Tinignan ko yung best friend ko pero nakangiti lang sya.  Parang kinikilig pa nga e.  Tsk!

Di na ko nagsalita at pinakinggan na lang sya. Nakita kong humugot sya ng malalim na hininga.  Kinakabahan to!

"Jacey Cassiopeia Alonte,  ikaw yung babaeng magulo pero masaya namang kasama.  Ikaw yung babaeng lagi akong sinisigawan. Hahahaha sa totoo lang ikaw lang ang babaeng nakagawa saken nun,  kaya naging interesado ako sayo.  Habang tumatagal lalo akong nahuhulog sayo.  Ewan ko ba, hindi naman ikaw yung tipo kong babae, hindi ka naman magan--".  Letche!

"Iinsultuhin mo lang ba ako?!" gigil kong tanong sakanya.

"Patapusin mo muna kase ako  bago ka mag react dyan.  Alam mo bang mahirap tong ginagawa ko?!" sabi nya.

"Bakit? Sinabi ko ba kaseng gawin mo to?!" Inis na sabi ko. Makapanumbat kala mo naman pinilit ko syang gawin to -__-

"You will shut your mouth or i'll kiss you? Just choose." Sabi nya ng nakangiti. Parang tuwang tuwa pa sya sa sinabi nya.

"Tsk!!" Yan na lang ang nasabi ko. Ayaw ko namang mahalikan no. Virgin pa po lips ko ^.^

"Dahil sa pagiging unique mo minahal na kita"

Biglang may tumili kaya napatigil din sya sa pagsasalita.  Tsk! Pero ano daw? Mahal nya nako?  Kelan pa?

"Jacey Cassiopeia Alonte,  can i court you?" Huwaaaaaat?!

Seryoso ba sya?
Kasi kung oo,  di ko alam kung anong isasagot ko.

Pero ano to? Bakit ganito ang nararamdaman ko?  Bigla nanamang bumilis yung tibok ng puso ko.  Ganitong ganito yung naramdamam ko nung debut ni Sheena.

Better off Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon