CHAPTER 19

4 0 0
                                    



~Cassey's POV~

"Ma'am Cassey! Pinapatawag po kayo ng papa nyo!" Sigaw nung maid.

Aish! Ang aga aga pa eh. Anong oras na ba? Kinuha ko yung phone ko at chineck ang oras. Tsk! Seryoso 6 o'clock pa lang oh! Saturday naman ngayon at walang pasok. Ano bang problema ni papa. Usually pag walang pasok hinahayaan nya lang akong matulog e.

"Oo na! Nandyan na! Pambihira!" sigaw ko pabalik. Habang naglalakad patungong bathroom hindi ko maiwasang hindi sabunutan ang sarili ko sa sobrang frustration.

Sobrang aga pa kase eh. Ano ba talagang problema? Kagabi pa sila ah. Di na maganda yung trip nila.

Habang naliligo di ko maiwasang isipin yung nangyari kagabi. Totoo kayang naghihirap na kame at kaya ako pinapagising ni papa dahil gusto nyang maghanap na ko ng trabaho? Halaaaa! Hindi ko pa yun kaya T^T

Habang nagbibihis napapaisip ako. Ano na lang magiging trabaho ko? Ano ba yan! Bakit kase hinayaan ni papa yung ganun! Huhuhu T.T

Pagpasok ko ng kusina ang tahamik pero kompleto sila dun. Ano ba talagang nangyayari? Naguguluhan na talaga ako.

"Good Morning guys! What's with the atmosphere?" bati ko sakanila. Pero walang pumansin saken. O-kay!

"Sit down!" sinamaan ko ng tingin yung kuya kong damuho. Kagabi pa to ah. Di pa nga ako nakakaganti sa pambabatok nya saken e.

"Ano po bang meron? Alam nyo naguguluhan na ko e. Kagabi pa kayo" sabi ko sakanila ng makaupo na ko.

"May kelangan kang malaman Cassey" si mama. O-kay! Bakit di nya ko tinawag na princess? Nakakatampo yun ah -_-

Don't tell me totoo yung hinala ko?!

"Ma? Totoo po ba?" nagsimula na kong umiyak. Hindi to totoo panaginip lang to. Pakigising ako, ngayon na. Please!

"Ma? Bakit ngayon nyo lang sinabi? Kelan pa to nangyari?" tuluyan na kong naiyak. Maghihirap na pala kame tapos ngayon lang nila sasabihin? Ano ba ko sa pamilyang to?

"Cassey ano bang pinagsasabi mo? " kuya Tyler na parang naguguluhan.

"Naghihirap na tayo diba? Kahit nga battery ng orasan hindi na kayo makabili kase naghihirap na tayo! O-okay lang s-saken kahit n-na bawasan nyo yung al-lowance ko!" nauutal kong sabi habang nakayuko. Kahit labag sa kalooban ko yun ok lang. Ok lang talaga!

"Bro ano bang sinasabi nyan? Nababaliw na yata yang kapatid mo". Narinig kong sigaw ni Kuya Tyler.

"Pfffft! Wahahahahahaha! Cassey ano bang utak meron ka? Hahahahaha" Kuya JD.

"Hahahahaha princess. What are you thinking?" Mama.

"Cassiopeia hahahaha san mo napulot yan hahaha!" Papa.

"H-huh? B-bakit kayo tumatawa? M-maghihirap na tayo t-ta-tapos tumawa pa kayo?" May saltik na talaga ang pamilya ko! Huhuhu kelangan ko na ba silang dalhin sa mental? Iba na yung tama nila e.

At pinaliwanag ko kung anong nangyari kagabi. Guess what kung anong reaction nila? Umiiyak silang apat. Oo umiiyak sila. Umiiyak sila kakatawa. PINAGTATAWANAN NILA AKOOO! Ganun ba ko ka exaggerated? Malay ko ba kaseng tungkol lang pala sa pag uwi ko ng madaling araw yung ikinakagalit nila.

Kasalanan naman talaga ni papa e. Nagtanong sya ng ganun,  syempre ano na lang ang iisipin ko? Tsk! Tapos bandang huli ako pa ang walang common sense? E si papa nga ang walang kwenta magtanong e. May relo naman sya tapos saken pa magtatanong ng oras. Haaaays ewan!

Better off Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon