Chapter 7

2 1 0
                                    


~Cassey's POV~

Nasa kotse na kame ni kevin.  Pauwi na kase kame nag text na din si mama tsaka anong oras na din.

Yung plano kong sumabay kay Sheena,  napurnada na.  Bwisit talaga yun.  Tama bang umalis sila ng walang paalam? Mga bwisit, pagbalik namen sa rest house puro kalat nadatnan namen. Ang gagaling, nakikaen lang talaga sila -____-

Since wala na sila, umalis na din kame. Wala naman na kameng gagawin dun. Medyo awkward pa din kase.

Habang nasa kotse kame di ko maiwasang mailang sa mga tingin ni kevin. Tapos biglang ngingiti! Err! Nababaliw na ba sya? Muka syang manyak sa ginagawa nya,  sa totoo lang.

"Stop smiling! You look like an idiot.  You're creeping me out!" Sabi ko sakanya ng nakatingin sa bintana. 

Pero kita ko sa peripheral vision ko na lumingon sya.  Geeeez! Nakangiti nanaman sya.  Abnormal ba talaga sya?

Bigla nyang binuksan yung radio.  Sa lahat ng ginawa nya, dyan ako lubusang natuwa hahahahaha.

🎶 Passenger seat by Stephen Speaks🎶

(just play the multimedia)

" and i got all that i need

right here in the passenger seat.

and i can't keep my eyes
on the road

knowing that she's inches
from me. "

Sinabayan nya pa talaga yung kanta. Kala mo naman ang ganda ng boses   -_-  Tumigil yung sasakyan kaya napatingin ako sakanya. Watda! Nakangiti nanaman sya!

Tatanungin ko sana sya kung bakit sya tumigil pero napansin ko yung traffic light na nakagreen.  'Kaya naman pala'.

After another minutes nakarating na din kame.  Nilingon ko sya para sana magpasalamat dahil sa paghatid nya saken pero inunahan na nya ko -_-

"You're always welcome Jacey ^.^ Alam ko namang magpapasalamat ka e. Masanay kana dahil ganito ang gagawin ko sayo araw araw" Sabi nya ng may napaka laking ngiti sa labi.  Juicecoloured! Tama ba yung desisyon kong pumayag na magpaligaw dito? Mukang may sapak sa utak to e.

"Pinagsasabi mo dyan? Sasabihin ko lang naman na ang pangit ng boses mo e nag "you're welcome"  ka naman.  Sa susunod wag mo ng uulitin yun ah, panira ka ng kanta e.  Alam mo yun? ". And  I gave him my famous smirk.

"Huh? Kala ko magpapasalamat ka dahil hinatid kita". Nag bago bigla yung expression nya.  Kung kanina sobrang saya nya ngayon naman parang pinagsakluban ng langit at lupa. Tsk! Napakadaldal kase. Napayuko na lang sya.

"Obligasyon mo naman yun diba?  Kase sa pagkakaalam ko,  nanliligaw ka po. " Sabi ko sakanya.  Bigla naman syang napataas ng tingin.

" Alam ko yun,  gusto ko lang namang marin---" pinutol ko yung sasabihin nya.  Baka kung saang dramahan pa mapunta e.

"Oo na,  oo na! Salamat sa surprised at paghatid.  Napasaya moko" at nginitian ko sya. "Mag ingat ka sa pag didrive ah,  papasok na ko". Bumaba na ko ng kotse.  Papasok na sana ako ng gate ng bigla nya kong tawagin.

"Jacey?" Nilingon ko sya.

"Good night.  Dream of me!" Bibo nyang sabi.  Tsk! Isip bata din.

"Good Night din. Ingat ka" nginitian ko ulet sya.

"Oo naman.  Sasagutin mo pa ko e" and then he wink at me.

Better off Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon