Chapter 10

7 0 0
                                    



~Cassey's POV~

Good Morning sunshine *yawn*

Tingin sa orasan 6:30 pa lang pala.  Ang aga kong nagising ngayon.  Isang malaking HIMALAAAA! Hohohoho ^o^

Nag hilamos muna ako.  Mag jojogging na lang ako para pampalipas oras.

Pababa na sana ako kaso nakasalubong ko si kuya JD,  pababa sya at mukang mag jojogging din.

Ngayon ko lang napansin na may tattoo nanaman sya.  Tsk! Muka na syang adik. Gwapong adik to be exact.

"Jogging?" tanong ni kuya.

"Yeah! Aga ko kasing nagising e." Ngumiti lang sya at ginulo yung buhok ko. Sabay takbo pababa.

"Catch me princess!" Sigaw nya sa baba ng hagdan.

Haay! Napangiti na lang ako sa ginawa ni kuya JD. Namiss ko sya,  namiss ko yung gantong ginagawa namin lagi. Sana mag stay na sila dito. Para may nang'aasar saken.

"KUYAAAAAA! HUMANDA KA TALAGA SAKEN HAHAHAHA!" Sigaw ko habang tumatawa hahaha.

Binelatan nya lang ako at tumakbo na palabas ng pinto.

"Careful princess!" Si kuya Tyler.

"Yes kuya ty!" Sigaw ko habang may ngiti na napalawak ^___^

I've never been this happy for almost 4years. Simula kase nung umalis sila para mag aral sa states ay nalungkot na ko. Pano ba naman wala akong kasama sa bahay! Si mama at papa busy sa company tapos dito sa bahay mga maid lang kasama ko.  Swerte ko na nga lang dahil lagi akong pinupuntahan ni Chelsea and Sheena dati kaya nawawala kahit papano yung lungkot ko.

And speaking of my best friends! Kelan kaya sila uuwi? Si Sheena nasa Batanes lang pero di ko naman makontak kaya di ko sya nakakausap. Si Chelsea naman,  nung nakaraan pa yung huling pag uusap namen.  Tsk!

Hinabol ko na si kuya dahil sumisigaw nanaman.  Inaasar nya ko para habulin ko talaga sya.

Tumakbo  ako papunta sa direksyon nya,  pero pag dating ko wala na sya.
Haist! San na si kuya JD? Tinaguan nya ba ko? Ano ba yan?! Dati naman lagi ko syang naabutan.  Mukang kelangan ko ng mag practice tumakbo ng tumakbo ah.

Pagbalik ko sa bahay nakita ko si kuya Tyler at kuya JD na nagtatawanan pero di pa sila kumakain.

"Oh eto na pala yung baboy e hahahahaha!" kuya JD. Ano daw? Baboy? Ako baboy?

"ANO YUN KUYA? MAY SINASABI KA BA?!" Sinamaan ko sila ng tingin dahil tawa sila ng tawa. Pero dahil sa ginawa kong pag tingin  sakanila ng masama lalo lang silang natawa.

"No effect!" sabi ni kuya JD.

Tsk! Sabi na e.  Wala pa ring talab sakanila tong ganitong titig ko. Waaaah ano bang gagawin ko sa dalawang to. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina.  Umalis na sana silaaaa huhuhuhuhu.

"Pano ba naman kase princess ang bagal mong tumakbo.  Palibhasa tumataba ka na.  Mag diet ka nga ah hahahahaha." A-a-ako? Mataba?!

Naiiyak ako promise! Grabe sila mang bully saken. Wala pa din silang kupas sa pang iinis saken huhuhuhuhu.

"Bro, stop it!.  Iiyak nanaman yan yari tayo kay papa hahahahaha" tumawa nanaman sila! Waaaah! Ayoko na.

"Oh anong meron? Inaasar nyo nanaman ba tong prinsesa ko?" Napalingon ako.  Si papa pala.

"Papaaaa! Sila kuya binubully nanaman ako! Huhuhuhu" iyak iyakan kong sumbong.

"Hahahaha di ka pa ba sanay sa mga kuya mo?" ginulo ni papa yung buhok ko.

Better off Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon