CHAPTER 20

2 0 0
                                    





~Cassey's POV~

It's the month of May.

And yes bakasyon na.

Ang bilis ng panahon no? Wala e ganun talaga.


I checked the clock beside my bed. Tsk! 8 o'clock am. Bumangon na ko para maligo at magbihis. Pupuntahan ko kase yung best friend ko. Namimiss ko na yun e. Ilang weeks din kase kameng hindi nagkita.

Anyway, Bytheway, highway! Lol.

Next week na ang 8th monthsarry namen ni Kevin. Oo po tama po kayo ng basa. Umabot po kame ng 8th months and still counting <3

Kaya nga pupuntahan ko yung best friend ko para magpasama bumili ng regalo. In the past 6months kase naibigay ko na sakanya lahat ng naisip kong pwedeng iregalo sakanya kaya ngayon wala na kong maisip. So i decided na. Magpasama na lang since bibili din daw sya ng gift para James.

Ewan ko ba sa babaeng yun. Sobrang tigas ng ulo. sabi sakanya ng parents nya na hiwalayan na si James pero di nya ginagawa. Sobrang mahal nya kase si James e. Biruin nyo ultimate crush nya yun tapos naging sila? Edi dream come true?! Kaya hindi ko run sya masisisi kung bakit nya sinusuway yung parents nya.

Pagtapos kong magbihis bumaba na ko para magpaalam. Nandatnan ko sila mama sa sala na naghaharutan. Yeah! harutan is the right term on what they doing. Tsk! Ang tatanda na pero kung magharutan kala mo mga teenagers e.

"Ma, Pa kila Sheena lang po ako ah" paalam ko sabay beso sakanila.

"Anong oras ka uuwi?" si papa.

"Saglit lang po ako" sabi ko.

"Ok take care Princess!" sabi ni mama.

Dumeretso na ko sa pinto..

"Oww and by the way, you two! Get a room please? Nakakahiya po kayo sa totoo lang" sabi ko sabay takbo. Alam ko na kase ang mangyayari eh.

In...

1...

2....

3.....

"JACEY CASSIOPEIA ALONTE!!! COME BACK HERE!!! " i knew it wahahahaha!

Ganon asarin si papa. Hahahaha kung hindi siguro ako tumakbo panigurado hindi talaga ako makakaalis.

Pinaandar ko na yung kotse bago pa nya ako mahuli hahaha. Paglabas ko ng gate itinabi ko muna yung kotse ko at

" WAHAHAHAHAHAHAHAHA! P*TAA HAHAHAHA" hindi ko na napigilan yung tawa ko. First time kase ako tawagin ng ganon ni papa . Yari ako neto mamaya.

Pinaandar ko na ulet yung kotse at dumiretso sa kabilang village. Isang village lang naman yung layo ng bahay nila e. Kung sa tutuusin nga pwede lang lakarin pero dahil sa tamad ako at maiinit nag kotse na lang ako.

Ng makarating ako sa tapat ng gate nila kinawayan ko yung guard at pinagbuksan ako. Kilala na nga po kase ako dito.

"Hi ma'am Cassey!" bati saken nung guard.

"Hello kuya berting!" bati ko pabalik.

Pagbaba ko ay syang biglang bukas ng main door at iniluwa si Sheena with..


"Pei/Ian!" sabay naming bati. Remeber Ian Paul Alegre? Yeah! He's here. Standing in front of me, beside Sheena.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

Better off Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon