~Cassey's POV ~This is it!
Yung mga iniisip ko kahapon inisang tabi ko muna.
Naisip ko din na kaya baka sya ganun eh may surprise sya saken. Kaya i bake a cake for him <3
'Haaaays! Nakakapagod mag bake ah.'
Opo! Nagbake po ako ng cake at Ilang ingredients na din ang nasayang ko at ilang oras ang ginugol ko dito bago ko maperfect tong cake na to. Pero worth it naman ^.^
Pag tingin ko sa wrist watch na suot ko 2:30pm na pala.
"Manang pakilagay sa box tong cake. Maliligo lang ako" sabi ko sabay takbo sa paakyat sa kwarto para maligo.
Gooosh! Ngayon lang ako naexcite ng ganto. Pano ba naman kase pinaghirapan ko yung ibibigay ko sakanya.
Habang naliligo bigla kong naalala yung sinabi ni Sheena. Ang weird kase nung babaeng yun last week pa di pa nagpaparamdam. Tsk!
Pag tatanungin mo naman laging wala yung isasagot. Ang gulo e.
-
Pagtapos kong maligo. Nagbihis na ko. Simpleng white fitted pants and black v-neck t-shirt lang ang sinuot ko at pinartneran ko ng white converse. Naglagay lang ako ng konting lip gloss at pulbo. All in all simple lang talaga.
Pagbaba ko sinalubong na ko ni manang na bitbit yung box.
Pagkakuha ko nagtaka ako. Ang gaan eh.
"San po yung laman? " takang tanong ko.
"nandun pa" sabi ni manang sabay turo sa kusina.
Hayyys! Di na lang ako nagsalita at dumeretso sa kusina. Kaya ko nga sya inutusan para aalis na lang ako e. Pero ako pa rin pala ang gagawa. Maloka ako kay manang -_-
Ng matapos kong ibalot yung cake nagpaalam na ko.
Pero pag inabutan ka talaga ng malas wala kang magagawa.
"Manang pakuha naman po ako ng payong" utos ko kay manang na agad namang tumalima.
Tsk! Ngayon pa talaga umulan. Eh ang ganda ganda ng araw kanina. Inalat na, minalas pa. Tsk!
Pagdating ni manang, nagpahatid ako sa kanya sa labas. Nilabas ko na kase kanina yung kotse para walang hassle. Pero mas hassle pala ngayon dahil umuulan. Hindi ko naman kase akalaing uulan -_-
Habang nag'ddrive bigla akong kinabahan. Iba to! Hindi to yung kaba na lagi kong nararamdaman sa twing naeexcite ako. Hindi ko maipaliwag itong ngayon.
Nagpatuloy lang ako sa pagddrive. Binalewala ko yung kabang nararamadaman ko. Baka part lang yun ng excitement. Hahahaha.
Ng makarating ako sa building ni Kevin. Lalong nadagdagan yung kaba ko.
*kring kring*
Bessy <3 calling....
[Bes? San ka?]
Ayos to ah!
"Wala man lang hello?" tanong ko.
[Nasan ka nga?!]
Makasigaw ah! Yung boses nya parang natataranta na ewan. Naabnormal nanaman siguro to.
"Papunta ako sa condo ni kevin. Happy?" sarkastiko kong sabi.
BINABASA MO ANG
Better off Without You
Novela JuvenilWala akong ibang ginawa kundi ang mahalin sya. But instead of loving me back. He's DOING SOMETHING BEHIND MY BACK! Oh let me rephrace that! THEY Doing someting behind my precious back. All i want is happiness not sadness. I gave everything to him bu...