~Sheena's POV~Ang sakit ng tyan ko huhuhuhu T_T
Ilang minuto na din ako dito sa C.R Kevin para magpasabog. Sabi na nga ba eh! Dapat talaga hindi ako kumain ng niluto ni Cassey. Tsk! Pero yung mga bisita naman ni Kevin di sumakit yung tyan. Pero bakit ako? 'May exception? Ganern?!'
Di ko naman trip tumira dito sa C.R ni Kevin e >.< Baka nga makaltukan pa ko nun pag nalaman nyang nagpasabog ako dito. Kaya wag kayong magsusumbong ah ^.^
Pinakiramdam ko ulit yung tyan ko. And after how many hours di na sya masakit. Haaay! Salamat naman. Makakaalis na ko dito. Wahahaha baka mahuli ako e, malakas pa man ding mangotong yun si Kevin hahahahaha.
Sa totoo lang mas matanda talaga saken ng ilang buwan yang si Kevin so technically "Kuya" ko sya. Pero dahil wala akong modo hahaha di ko sya tinatawag na kuya. Ilang bwan lang naman tanda nya saken eh kaya ok lang yun wahahaha! Nababaliw nanaman ako hahaha ^.^
Paglabas ko ng C.R nanlaki yung mga mata ko. As in malaki talaga. Kulang na lang lumawa eh.
"NASAAN NA SILA?!" nilibot ko ang panigin ko sa buong unit pero wala sila. Kalat lang ang naghihintay saken. 'Buti pa kayo hinintay ako huhuhuhu T_T.' Saan sila pumunta? Bakit hindi nila ako hinintay? Ganon na ba ako katagal sa C.R? Hindi naman ah.
"Ang sasama ng ugali! Anong gagawin ko dito? Ako maglilinis? Pagtapos nilang magkalat?! Over my dead and gorgeous body!" Naiinis na sabi ko. Sino ba naman kaseng hindi maiinis e. Nakakainis talaga. Arrrrghh.
"*yawn" Halaaa! May tao?! Nabuhayan ako ng loob sa narinig ko. Hohoho wala naman kaseng multo dito e tsaka di ako naniniwala dun no! Tsk! Pambata lang kaya yun! Pinuntahan ko yung pinanggalingan nung tunog!
"Alam mo ang ing--" Naputol yung sasabihin nya nung tuluyan na syang nakatayo mula sa couch at napatingin saken.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa kung sinong nilalang ang aking nakita. Bakit to nandito? Hinihintay nya ba ko? Ang assuming ko ba? Hahaha hindi naman. Sakto lang. Maganda lang talaga ako hahahaha :) Ano ba naman kaseng ginagawa ng kulugo na to dito? Di ko naman kase sya napansin kanina e.
"IKAW/IKAW!?" Bakit may unggoy dito? Oh well, ngayon ko lang napatunayan na hindi lang sa zoo makakakita ng unggoy kundi pati dito sa unit ni Kevin. Tsk!
"Kelan pa nag'alaga ng unggoy si Kevin?" nagtatakang tanong ko ng nakatingin sakanya.
"wh-what?!" medyo naiirita nyang tanong.
"Nabingi ka na? Pano ka ba nakapasok dito? Kase sa pagkakatanda ko "No pets allowed" dito sa building na to e!" natatawang sabi ko.
"A-ano?!" Bingi talaga neto tapos sya pa may ganang sigawan ako! Abnormal nga.
"Unggoy ka na nga bingi ka pa! Tsk!" sigaw ko din sakanya. Kala nya sya lang may kayang sumigaw ah. Belat nya.
"Bakit ka ba sigaw ng sigaw?!" sigaw nya. Kinalikot ko yung tenga ko taena nakakatulilig tong sumigaw daig pa babae eh!
Bumwelo ako. "SINO BANG UNANG SUMIGAW? AKO BA HA? AKO BAA?!" Bwisit na lalake to ginagalit nya talaga ako e. Di ko pa nga sya napapatawad sa ginawa nya saken tapos dadagdagan nya pa! Baka tamaan na to bigla.
Bigla nya kong tinalikuran at lumabas na sya. Tinatawag ko sya pero di na sya lumingon. Ang bastos talaga ng taong yun ang hilig akong talikuran. Kabastusan e.
"I HATE YOU IAN PAUL ALEGRE! BWISIT KA TALAGANG LALAKI KAA!!! ARRRGHHHHH!!" sabay gulo sa buhok. Nakakabwisit talaga yung lalaking yun.
Kinuha ko yung bag ko ng padabog at lumabas na din. Bahala silang maglinis nun. Dumeretso na ko sa elevator saktong pag bukas pumasok na ko. Tsk! Kahit anong paghingang gawin ko hindi pa rin nawawala yung pagkabwisit ko sa taong yun.
BINABASA MO ANG
Better off Without You
Teen FictionWala akong ibang ginawa kundi ang mahalin sya. But instead of loving me back. He's DOING SOMETHING BEHIND MY BACK! Oh let me rephrace that! THEY Doing someting behind my precious back. All i want is happiness not sadness. I gave everything to him bu...