~Cassey's POV~Umuwi na ko. Walang kwenta kausap si Sheena eh. Kanina pa tulala. Mukang malalim yung iniisip. Ni hindi na nga ako nagpaalam dahil baka sabihan pa ko nun na panira ng pag dday dream nya -_-
Si Kevin naman hindi pa nag rereply. Ang tagal ng practice nila ah halos isang araw? Ano yun patayan?
Tinatry ko syang tawagan pero cannot be reach ang lolo nyo -_- isa pa yung weird e. Hindi naman nagpapatay ng phone yun.
Pagkauwe ko dumretso na agad ako sa kwarto para icharge yung phone ko, nalowbat kase kanina nung tinatawagan ko si Kevin. Pagka charge ko dumeretso na ko sa bathroom para maligo. Mamaya ko na lang siguro sya tatawagan.
'Si kevin ba yun?'
Biglang pumasok sa isip ko yung tanong na yun ni Sheena. Kahit hindi ko sya nakita may kutob ako na tama yung nakita nya. Pero anong ginagawa nya dun, eh may parctice sila.
"Nagsisinungaling na ba sya saken?" natanong ko sa sarili ko.
"Hindi naman siguro. Baka may binili lang sa mall yun.. Oo tama, may binili lang sya. Wag kang tamang hinala Cassey" sabi ko.
Wag kayong magtaka. Kinakausap ko talaga sarili ko pag may iniisip ako. Di yun weird. Kahit kayo ginagawa nyo yun e. Diba?
Pagtapos kong maligo nagbihis na ko ng pantulog. Kinuha ko yung phone ko at binuksan.
Bakit walang pumapasok na text? Late receiver ba ko? Pero ilang minuto nakabukas tong phone ko e.
Ako na nga lang magtetext. Baka nakalimutan nya na ko eh </3 Biglang kumirot yung puso ko sa naisip kong yun.
To: Babe <3
Tapos na ba yung practice nyo babe? Ang tagal ah hahaha inabot pa kayo ng gabi. Text moko pag tapos na kayo ah. Love you :* mwaaaah.
Pagkatext ko nun humiga na ko. Haaaays! Sa isipin pa lang na nakalimutan nya ko nasasaktan na ko, pano na lang pag nakalimutan nya na talaga ako? Edi mas masakit! Baka hindi ko pa kayanin.
Ilang oras na ang nakalipas pero wala pa rin syang reply. Ayaw kong mag'isip ng kung ano-ano, dahil
Matutulog na nga ako. Bukas ko na lang siguro sya tatanungin.
--
~Sheena's POV~
Nakaalis na pala si Cassey? Bakit di ko namalayan? Yun talagang babaeng yun. May pagkaNinja talagang tunay eh.Tsk!
Di pa rin maalis sa isip ko yung nakita ko sa mall. Bakit sila magkasama? Eh ang sabi nya kay Cassey may practice sila. Pero tinanong ko si James, meron naman daw pero hindi nag practice si Kevin. Dyusmiyo! Anong nangyayari sa dalawang yun? Bakit nagagawang magsinungaling ni Kevin? And worst kasama nya pa yung babaeng yun.
Ang daming tanong sa isip ko. Na hindi ko alam kung masasagot ba.
Di ako papatulugin ng katanungan na to. Kelangan kong malaman ang mga kasagutan para mapanatag ako.
Kinuha ko yung susi ng kotse ko. Kelangan ko talagang malaman kung ano ang totoo.
*
Ng makarating ako sa building ni Kevin dumeretso na ko sa floor nya.
Oo kay kevin ako pumunta, sya ang tatanungin ko. Ayoko kase syang tanungin dahil ayaw ko.
Hindi pa man ako nakakalapit sa pinto may narinig na kong nagtatalo or more like nag'aaway. Nag sisigawan kase eh. Paano ko narinig? Medyo nakabukas kase yung pinto ng unit ni Kevin kaya rinig hanggang labas yung sigawan nila.
BINABASA MO ANG
Better off Without You
Roman pour AdolescentsWala akong ibang ginawa kundi ang mahalin sya. But instead of loving me back. He's DOING SOMETHING BEHIND MY BACK! Oh let me rephrace that! THEY Doing someting behind my precious back. All i want is happiness not sadness. I gave everything to him bu...