~Cassey's POV~Sports fest naaa!
Kaya busy lahat ng studyante.
Volleyball lang ang sinalihan kong sports since yun ang hilig ko.Si Kevin may play mamaya at kelangan ko talagang manood para hindi sya magtampo.
Any minutes now magsisimula na yung game, kaya hinila ko na si Sheena papuntang gym. Di naman sya pumalag kase maglalaro din si James. Remember parehas silang varsity. And star player silang dalawa. Sila yung laging tinitilian kaya naiinis ako -_-
Pag dating namen dun biglang kumaway si James sa direksyon namen at pinalapit kame sa kanila. Kilala na kame ng iba nilang teammates as their girlfriends. Umupo na kame, may nakareserved na kaseng seats para samen.
Si Chelsea? Ewan ko ba dun! Kung saang lupalop nanaman ng mundo yun nagliliwaliw. Sabi ko naman, pwedeng outsider dahil sports fest naman. Pero hanggang ngayon wala pa sya.
"Bes si Chelsea? May balita ka ba dun?" Tanong ko Sheena.
"Wala bes e. Nagtataka nga ako dun, bigla na lang hindi nagpakita. Last time that i saw her is nung debut mo pa yata?" Sabi ni Sheena.
Kahit ako man ay nagtataka talaga. At tsaka yung gift nya saken ang weird! Panyo? Para pamunas ng luha? Tapos yung mga actions nya. Ang weird talaga.
*priiiit*
Signal na magstart na yung game.
Yung first five ng Team Red Dragon which is sila Kevin. Ay sila.
Kevin Salcedo - 21
James Lopez - 11
Bryan Aurellio - 13
Brix Choi - 29
Casper Han - 69
Yung sa Blue Lion naman hindi ko kilala hahaha. Di naman kase ako friendly e.
End of first quarter na. Lamang sila Kevinpot ng 5 points. Mahigpit kase yung laban. Lahat kase ng varsity player hinati into 4teams. Kaya may mga varsity din sa Blue Lion.
Paglapit nya inabutan ko agad sya ng gatorade at towel. Grabe ang bango nya pa din kahit puro pawis na *_*
"Magcheer ka naman love. Nawawalan ako ng gana maglaro e!" nakapout nyang sabi. Lakas magtampo. Eh ang dami nya ngang cheerer, kulang pa ba yun?
Tinakpan ko yung labi nya para di makita yung pag pout nya. Nakakatempt e. Hahahaha
"Oo na magchicheer na po! Hehe" sabi ko na lang para hindi matampo ng tuluyan.
*priiit*
Second quarter na.
Pero di pa din ako nagchicheer. Nahiya naman kase ako sa fan girls ng boyfriend ko. Mapatiran sana kayo ng litid -_-"Goooo Kevin! I love youuu!"
"Gooo papa james! I love you!"
Naka foul si Kevin kaya may free throw sya.
"Kevin pag nashoot mo yan. Papakasalan na kita!" Sigaw ni ate girl.
Napatingin si Kevin saken. Naka'smirk sya. Binigyan ko sya ng Sige-ishoot-mo-yan-para-makita-mong-hinahanap-mo look.
Napangiti at napailing na lang sya sa ginawa ko. Hindi nya shinoot yung free throw nya, tulo ba kung baga. Tsk! Dapat lang no. Tsaka lamang naman sila ng 15 points e.
Umaakyat yung lamang nila at di na nakahabol pa yung kabilang kampo.
Hanggang matapos yung laro ay hindi bumaba sa 20 points yung lamang nila.
BINABASA MO ANG
Better off Without You
Teen FictionWala akong ibang ginawa kundi ang mahalin sya. But instead of loving me back. He's DOING SOMETHING BEHIND MY BACK! Oh let me rephrace that! THEY Doing someting behind my precious back. All i want is happiness not sadness. I gave everything to him bu...