❣❣ Ghoul Six: "Departure"

163 7 0
                                    

Sebriel's POV:

Hmm... Why is my bed so soft?

Di ba dapat kasing tigas ng bato Yung higaan ko? Ni kotson nga eh Wala nga ako ito pa kayang malambot na hinihigaan ko.

Dahan dahan kong binuka Ang Mata ko only to find out na nasa isang magandang room ako.

Malaki ang higaan, sobrang laki. Kasya ata Ang sampung tao dito.. pero teka nga.. why the flappy bird am I here? As far as I know nakatulog Lang ako sa sofa nang Hindi ko napapasin.... Oh... Shoot..

Did I just got my self kidnapped??

Teka nga lang. Sino namang insekto Ang kukuha sa taong tulad ko? Sobrang ordinaryo ko lang and besides kasama ko pa non sila Mexy so impossible na may makakadukot sa akin. Sa lakas ba naman nilang apat.

"Before I conclude.. lalabas na muna ako. Aish... Naman! Shakit ng ulo ko." Pagmamaktol ko sa sarili ko. Ayos na Yung katawan ko di na pagod pero bigla kasing sumakit ulo ko nang papatayo na ako.

I wonder kung ilang oras akong tulog. Feel ko sobrang gutom ako. Dahan dahan akong tumayo at tsaka tinungo Ang gawi ng pintuan.

Bubuksan ko na sana nang bigla nalang itong bumukas at bumungad sa aking Ang medyo gulat na ekspresyon ni Alron.

"A-ah.. hi?" Sabi ko sabay tumabi. I mean, baka gusto niyang pasok. Malay ko ba Kung kaninong room to.

"You're.. awake." Sabi niya sa akin. Tumango Lang ako at tsaka siya tinignan. I don't know... Pero I feel really awkward, and why is that?

"I have to take my leave Alron. Baka nakakaabala na ako sa inyo." Sabi ko at bahagyang napayuko. Ugh, ano ba dapat Kong gawin...

"Abala? No you're not. Kwarto mo yan, feel free to do anything with it. I was going to look for you for a while in case you'll wake up wondering why you're here." Pageexplain niya sa akin kaya napatango ako.

"What do you mean na kwarto ko to?" Tanong ko sabay turo sa loob ng mahiwagang kwarto na ito.

"You'll be staying here until the school years ends." Sabi niya.

"Oh.. now that you said it Sabi nga pala ni headmaster sa atin no? Hmm.. okay. Ah.. nakapagluto na pa kayo?" Tanong ko sabay ngumiti. He looks confused at tinitigan Lang ako.

"People in this room don't cook. None of us know. So Hindi pa kami nakapagluto. Usually, we'll be waiting for our chef to cook for us." Sabi niya Kaya mas lumapad ang ngiti ko. Yes!! Chance na dis!

"Ahh.. do you mind starting today.. I'll cook for all of you instead?? Hehe.. please!!" Sabi ko sabay nagpuppy eyes. I know I'm not cute pero bahala na siya Kung mandidiri siya. Hahaha.

"O-okay." Sagot niya kaya mas napangiti pa talaga ako.

"YIPEE!! SALAMAT! Dali sama ka saken tikman mo luto ko." Sabi ko at tsaka ko siya hinila paalis sa room ko at tumungo deretso sa kitchen.

Hinila ko Lang siya hanggang sa makarating kami sa kitchen. Hindi ko alam kung paano ko nalaman Kung nasaan ang kitchen to think na first time ko Lang dito. Baka instincts ko Lang.

Agad ako napatingin sa gawi ni Alron, gulat pa ata to eh Hindi ko Naman siya ginulat. Magugulat nalang ako pag nagulat ko siya nang di ko namamalayan.

To be honest, gulat Lang naintindihan ko sa sinabi ko. Tinignan ko ang mga mata nito, gulat pa ito pero napalitan din ito nang cold na ekspresyon.

"Beef Stew is your favorite dish." Nasabi ko out of nowhere, I don't know kung bakit ko nasabi Yun pero bigla nalang lumabas sa bibig ko.

"H-how'd you know?" Tanong niya sa akin sabay pilit na tinatago ang gulat na ekspresyon nito.

Sebriel: The Hybrid of Ghouls and DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon