Joshua Jairus Pimentel

33 1 0
                                    

Josh's POV

Oyea. Nabigyan rin ako ng POV. Kala ko extra lang ako sa storyang ito. Hahahaha. at dahil may POV na rin ako, eh aba pagkakataon ko na to para ilantad ang pagkatao ko. Kaya eto ipapakilala ko na ang sarili ko.

Siguro naman kilala nyo ako? Isa lang naman akong miyembro sa banda ng 'The Flamming Red' Ako nga pala si Joshua Jairus Pimentel. Pangalan pa lang astig na. Kaya naman maraming nagkakagusto saakin, bukod sa gwapo ako cool pa!

Pero hindi nyo nalalaman na wala pa akong nagiging girlfriend kahit isa Wala pa akong sinasagot sa mga babaeng nagtatangkang akitin ako, Hahaha. Ayoko kasi sa mga babaeng papansin! Alam mo yun? Kapansin pansin na nga nagpapapansin pa! Nakakabwisit naman talaga.

Hard-to-get nga daw ako sabi nga, madaming nagkakarandapa sa kagwapuhan ko. Ako nga daw yung tipo ng lalaking mahirap makuha, Ang totoo nyan hindi naman talaga ako mahirap makuha eh. Ang sabi ko lang pag may isang babaeng nagbigay saakin ng napaka sarap na cookies kahit sino pa yan nako! in na in saakin yan. Bukod sa paborito ko ang cookies para saakin ang masarap na cookies ay may malinis na pagkatao. Kaya kung sino man ang may magbigay saakin ng masarap na cookies sya ay may malinis na pagkatao na karapat dapat lang na mahalin ko.

Madami na nagsasabi saakin kung bakit hanggang ngayon wala pa akong girlfriend. Kaya naman simple lang ang sinagot ko. 'Hanggang wala pang nagbibigay saakin ng masarap na cookies hindi ako magkakagirlfriend' Hahahaha ang weird. Eh pano kung walang magbigay saakin ng masarap na cookies? edi habang buhay na akong walang girlfriend? at tatanda akong matandang binata?! hahahaha. Jan kayo nag kakamali alam na ng mga babaeng nag kakagusto saakin ang tungkol sa cookies na yan, Kaya naman wala silang tigil magpadala sa bahay ko ng mga cookies.. Pero kahit isang cookies wala akong nagustuhan. Hahahaha. baka nga tumanda na akong binata nito hahahaha.

Pero nagkamali ako... dahil sa loob pala ng boy's locker room may naglagay ng napakasarap na cookies na hinahanap hanap ko matagal na.

FLASHBACK

"Anak ng! Sino naman kaya nagtangkang pumasok sa boy's locker room at nagdala nito dito?!"

"Naks pare! Cookies nanaman! bigay mo ulit saamin pag hindi mo nagustuhan hahahaha" -Kyle

"Hanggang dito ba naman sa locker room dinadalhan ka ng cookies hahahaha madami talagang desperadang gustong maging boypren ang isang tulad mo! hahaha" - Aedrian

"hahaha. iba talaga ang charisma ko!"

Agad kong binuksan ang cookies at tinikman ito.

Lahat ng Barkada ko nakatingin sa magiging reaction ko.

* Bite *

Napatigil ako sa pagnguya ng matikman ko ang unang kagat.

Grabe. Sa lahat ng natikman kong cookies eto ang bukod tanging kakaiba! Ibang iba sa lahat,

"Pare. Tikman nyo" pag aalok ko sa kanila.

"Hahahaha Bakit pare?! Hindi ba masarap? Hahahaha" - Iñigo

"Sabi na e! Kapag hindi masarap inaalok mo kame..." - Kyle

Oo tama nga sila, pag hindi masarap inaalok ko sila, pero yung cookies na natikman ko ngayon kakaiba talaga kaya pinatikim ko sa kanila.

"Eto tikman niyo mga pare! Kakaiba!"

Isa isa naman silang kumuha at tinikman ito.

"Walastik pare! Kakaibang lasa!"

"Eto na yun pre! Sya na ang hinahanap mo!"

"Sawakas pre! MagkakaGirlfriend ka na woooo!"

Yan ang sabi nila saakin.

"Keep your friends close and your enemies closer Operation ♥(OnGoing--)"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon