Jar of Hearts
CHAPTER 14
SECRETS FROM THE PAST
ELIZA’S POV
*vibrate* *vibrate*
1 new message
Sarah
Nagtext si Sarah, bakit kaya? Binasa ko ang text niya.
“Umuwi na kayo. Hinahanap tayo ni Mama”
Nang mabasa ko iyon ay agad akong nagpaalam kay Joshua.
“Ihahatid na kita” sabi niya.
At dahil mapilit siya, no choice ako. Nagpahatid na lang ako sa kanya.
SARAH’S POV
“Oh bestie, una na ako” paalam ni Alona.
“Sige, salamat sa paghatid”
“Anong salamat? May bayad yan!” sabi niya. Nagbelat pa sa akin.
Hay isip bata talaga ‘tong best friend ko.
“Sie, babayaran ko yan ng mga sampu. Sampung kutos” sabi ko naman.
“Ay, sino ba kasing may sabing may bayad yun? Ano ka ba libre na yung paghatid ko”
Tignan mo ‘to, babayaran ko na nga ayaw pa.
“Sige, papasok na ako. Bye” paalam ko.
“Bye” sabi niya at palakad na umalis.
Papasok na sana ako sa loob ng sinalubong ako ni Mama.
“Ma, bakit po?”
“Andito si Arthur”
“Arthur?” sabi ko.
“Yung papa ni Eliza”
“Ano ho!” gulat na pahayag ko.
ELIZA’S POV
Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Joshua. Hay, parang kinakabahan ako.
“Pst, anong iniisip mo?” tanong ni Joshua habang nagda drive.
“Wala, parang may masama lang akong kutob”
“Ganun ba? Don’t worry andito lang ako”
BINABASA MO ANG
Jar of Hearts
Teen FictionWill love would be better a second time around? Kaya niyo pa kayang harapin ang ilang consequences sa dadating sa buhay niyo? Kung mahal niyo ang isa't isa, makakaya niyo? Pero what if things were not okay for them. Will love bloom again? THE BUCKET...