CHAPTER 17 OFFICIALLY OURS

145 5 0
                                    

Jar of Hearts

CHAPTER 17

OFFICIALLY OURS

ALONA’S POV

Foundation week ngayon sa Malaya kung kaya’t walang klaseang lahat at 1 linggo ang bazaar. May mga inihandang booths ang mga iba’t ibang course. Halimbawa sa aming HRM, café. Ang cute nga ng suot namin eh? Yung maid outfit na gaya sa Hayate the Combat Butler ba yun? Basta  sa anime yun!

Kasabay ko si Sarah magpunta sa CR upang magbihis ng aming maid uniform.

Palakad na kami sa booth namin nung…

“Miss may nagpapabigay po” sabay abot sa kanya nung bata ng isang stuffed toy na flappy bird.

“Ayyyiiiee, may suitor ka bestie” sabi ko naman habang kinikiliti siya.

“Miss, sa inyo daw po ito”at may iniabot yung isang bata kay Sarah. Isang red daffodil.

“Uwaahh! Ang ganda” compliment niya.

“Pst, boy sino bang nagpapabigay nun?” tanong ko dun sa bata.

Ngumiti lamang iyon at tumakbo paalis.

“Hayaan mo na Bestie, tara na sa cafe” aya ni Sarah.

Nasa café na kami’t dumadagsa ang mga customers. Busy si Sarah manguha ng order sa counter at ako nama’y nagse serve.

Bigla ko namang nakita si Sebastian na may kasamang babae. At mukhang sweet pa sila? Anong meron?

Habang pinagmamasdan  ko sila habang naglalandian, may kumalabit sa akin mula sa likod, si Jeff.

“Ay, palaka naging aso!” gulat na sambit ko.

“Hahaha! Hay, Alona magugulatin ka talaga” pang aasar sa akin ni Jeff.

“Tss, uyy anong meron dun sa dalawa?” at tinuro ko sila Sebastian at yung leech.

May binulong sa akin si Jeff at nanlaki ang mga matako. O,O

“Talaga?” sambit ko.

SARAH’S POV

“Sarah!” pasigaw na tawag sa akin ni Alona.

“Bakit?” tanong ko naman. Hindi siya nagsalita bagkus ay itinuro niya sina Sebastian… at yung LINTA!

Naintindihan ko na siya nun nho! Syempre ang tunay na mag best friend konting kilos lang nagkakaintindihan na :)

Jar of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon